CHAPTER 27

1.9K 89 11
                                    

"Ilang araw bago mo ipadala sa M.C si Piere?"

"Tatlo hanggang isang linggo."

"Pagkatapos mong ipadala sa M.C ibibigay ko sa tauhan mong magdadala kay Piere ang dokumento para doon sa bagong kuwarto na nakalaan sa mga gagawing transaksyon ng O.N.E.S"

"Good!"

Matapos ang pag-uusap nila ay umalis na sila Shannon at bumalik sa headquarter ng M.C. Umupo si Shannon sa kaniyang upuan sa loob ng opisina at hindi mapigilan ni Fin ang magtanong dahil hindi niya akalain na susugal ng malaki si Shannon. Ang JK malls ay nabuo ng malinis at matuwid ngunit ngayon ay mababahiran ito ng karumihan.

"Madam, sigurado ka na ba sa magiging desisyon mo?"

"Oo, alam niyo na walang ganoong klaseng kalakaran sa JK hindi ba?"

"Opo madam, paano niyo maibibigay ang sinasabi niyong kuwarto?"

"Mayroong pribadong kuwarto na nakalaan sa namumuno ng JK sa bawat establisiyemento nito. Iyon ang ipapagamit ko sa O.N.E.S at kung sakaling kakailanganin ko ang kuwartong iyon ay madali pa rin akong makakagamit nito. Ang kailangan ko ngayon ay koneksyon at kapangyarihan. Hindi puwedeng maging tulad ako noon na walang alam sa rumi ng mundo. Ayokong mapahamak ulit si Rare dahil sa pagkaignorante ko."

Ngumiti si Fin at Arthur tiyaka yumuko sa harapan ni Shannon.

"Makakaasa ka pong hindi kami tatalikod sa kung anumang iuutos mo madam."

Ngumiti si Shannon tiyaka tumayo.

"Talaga ba?"

"Yes madam!"

"Dahil diyan, tutulungan niyo kong dalawa sa pag-aasikaso nitong walang katapusang transaksyon na gagawin ng M.U hindi ko akalain na maraming tayong ahente na nakakalat sa buong mundo at may sari-sarili silang misyon."

"Uhm... Madam, masakit po 'yong ulo ko."

Unang nagdahilan si Fin at akmang tatalikod na siya nang magsalita si Shannon.

"Ako rin pala ang may hawak ng finance ng buong M.C at sa palagay ko ngayon ay may makakaltasan ng suweldo at hindi makakatanggap ng year end bonus"

Naestatwa si Fin sa sinabi ni Shannon.

'Kanina lang nakausap ni madam si Mr. Jones, bakit nakuha niya agad ang ugali nito... Nagiging tuso na si madam! Nasaan na ang mabait at inosente kong madam? Pakibalik naman!'

"Fin, anong tinutungatunganga mo diyan? Tingnan mo ang masipag na si Arthur puno siya ng determinasyon! Mukang ang maibabawas kong suweldo ay matatanggap ni Arthur sa katapusan."

Halos mabingi si Fin sa kaniyang narinig.

'Sipsip talaga! Isa kang lamok Arthur... LAMOK!'

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon