CHAPTER 19

1.8K 71 5
                                    

Nang makapunta sila sa paaralan ay sakto namang uwian ni Troy.

"Daddy!"

Niyakap ni Troy ang kaniyang ama tiyaka hinalikan ito sa labi. Sumakay sila sa loob ng sasakyan at mabilis inaliw nina Bogart at Berto si Troy samantalang tinawagan ni Rare si Hier.

"Hier"

"Oh?"

"Umiiyak ka?"

"Hindi naman"

Walang kaalam-alam si Rare na naaksidente si Johan at kritikal ang kondisyon nito.

"Ikaw muna ang bahala kay Troy."

"Bakit? May nangyari ba?"

Napaisip si Rare at minabuti niyang sarilinin ang problema dahil ayaw niyang madamay pa ang kaniyang mga kaibigan.

"Wala, gusto kong masolo si Shannon."

"Ahh, sige."

"Sa inyo muna si Troy ng isang linggo."

"No."

"Limang araw."

"Dalawa."

"Apat"

"Tatlo"

Napakagat ng labi si Rare tiyaka ngumiti.

"Fine! Tatlong araw!"

"Sige,  ihatid mo na lang si Troy sa bahay.  Nandoon ang asawa ko."

"Salamat pre."

Naputol ang linya at agad na kinandong ni Rare si Troy.

"Anak"

"Yes po daddy?"

"Kay Tito Hier ka muna ah."

"Bakit po?"

"Gusto mo ba ng kumpletong pamilya? Ikaw, ako at ang mommy mo?"

"Uhm... Opo"

"Kailangan kong suyuin ang mommy mo para pumayag siya na maging buo tayong tatlo."

"Okay po."

Ayaw ni Rare na maapektuhan pa si Troy sa mga nangyayari kung kaya siya ay nagsinungaling sa kaniyang anak.

Tumunog ang cellphone ni Rare at nakita niyang tumatawag si Fin.

"Fin, bakit?"

"Nalaman na po namin kung nasaan si madam."

"Saan?"

"Nasa kamay siya ngayon ni Dragon."

"Hintayin niyo ako diyan bago kayo kumilos."

"Sige po boss."

Ibinigay ni Rare ang adress ng bahay ni Hier sa  driver. Nang makarating ay  iniwan na niya ang kaniyang anak doon.

"Kuya, pahatid kami sa Frsich Club."

"Sige po."

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon