CHAPTER 7

2.2K 95 4
                                    

Tinitigang maiigi ni Shannon si Hunter.

"Hunt, alam ko namang hindi talaga gusto ni Hunter na mapalapit sa aming mag-ina. Huwag mo ng ipilit. Kung gusto niyang mamuhay mag-isa—"

Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil tumawag sa kaniya si Ley. Inirapan niya ang dalawa bago sagutin ang tawag.

"Hello Ley?"

"Cha, puntahan mo ako dito sa bahay."

"Bakit?"

"Wala si End may aasikasuhin. Ang tagal na kasi nating hindi nag-uusap."

"Ley, baka bukas na kita mapupuntahan."

"Cha bukas kasi uuwi si End. Please, ngayon ka na pumunta."

"Haist... Ang lakas mo talaga sa akin eh. Sige, pupunta kami ni Troy diyan sa inyo."

"Sige. Ingat"

Nang pinatay ni Shannon ang linya ay agad na nagsalita si Hunt.

"Pupuntahan mo si Ley? Dali puntahan mo na, ang alam ko nag-away sila ni End."

Tumingin si Shannon kay Rare bago nagsalita.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap"

Agad na umalis si Shannon at nag-text naman si Hunter kay Ley.

'Ley, sinabi ko na nagkaproblema kayo ni End. Ikaw na bahala'

Nakita ni Rare ang ginawa ni Hunter kaya agad niyang hinablot ang cellphone nito.

"Anong ibig sabihin nito?"

"Rare, akin na 'yan. Magpapaliwanag kami—"

"Kami?"

"Tatawagan ko sila, akin na muna 'yang cellphone ko."

Ibinigay ni Rare ang cellphone ni Hunter at agad nitong tinawagan sina King, U, End, at Hier.

"Hello guys, pumunta kayo dito sa Frisch. Asap!"

Agad na dumating ang apat sa Frisch Club at pumunta sila sa opisina ni Rare.

"Ano ang ipapaliwanag niyo?"

Walang gustong sumagot sa kanila at palihim na sinipa ni Rare si Hunter kaya naman nagsalita si ito upang kumbinsihin ang mga kaibigan niya na magsalita.

"Guys, sabihin na natin ang totoo. Sapat na 'yong tatlong taong pagdurusa ni Rare. Hindi lang tayo ang naapektuhan, marami sa mga miyembro ng organisasyon nila ang namamatay."

Nagkatinginan ang tatlo at agad na nagsalita si Hier.

"Hindi pa patay si Johan."

Biglang nanigas sa kinatatayuan si Rare at hindi maproseso ng kaniyang utak ang narinig.

"Ano? Pakiulit mo nga ang sinabi mo Hier? Di ko masyadong marinig."

"Ang sabi ko, buhay pa si Johan."

"Buhay si Johan?"

Tumango si Hier at agad na umiyak si Rare. Sinimulang ikuwento ni U ang lahat, pati na rin ang plano nila.

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon