CHAPTER 6

2.4K 86 5
                                    

Natapos sina Rare at Shannon dahil nawalan ng malay ang dalaga. Nakita niya ang kaniyang cellphone na biglang umilaw. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa sahig at agad na tumambad ang larawan niya at ni Shannon.

'Siya ba ang sinasabing kinababaliwan mo Mr. Frisch?'

Tiningnan niya kung sino ang nag-text at tumambad ang lider ng Victoria Incorporated. Ang Victoria Incorporated ang kalaban nila sa pagbebenta ng mga kababaihan sa merkado. Agad na napatayo si Rare at tinawagan si Fin.

"Hello Sir?"

"Pumunta kayo ni Phoebe sa opisina ko."

"Copy."

Nag-asikaso si Rare tiyaka lumabas sa kuwartong iyon at pumunta sa kaniyang opisina.

Pagdating niya ay nandoon na sina Fin at Phoebe.

"Sir?"

"Sino sa mga kaibigan ko ang gumamit ng kuwarto dito?"

"Si Atty. Nuwz at Young master Sy."

Napaisip si Rare at alam niyang hindi natutulog na may kasama si Yller kaya imposibleng matupad ang plano niya. Walang nagawa si Rare kun'di ang gamitin si Johan.

"Ipalit niyo ang babaeng nasa kama ni Johan kay Shannon."

"Saan po namin ilalagay ang babaeng nasa tabi ni Sir Johan?"

"Sa isang bakenteng kuwarto sa tabi nitong opisina. Huwag niyong hahayaang may mangyari sa babaeng iyon. Palabasin niyo na iniwan siya ng nakatalik niya at guluhin niyo ang kama para magmukhang sa kuwartong iyon siya nakipagtalik."

"Copy."

"Phoebe, ikaw ang magbuhat kay Shannon at itabi mo siya kay Johan. Fin, ikaw na ang bahala sa babae ni Johan."

"Okay po."

Agad na lumbas ang dalawa at pumunta sa kung saang kuwarto sila nakadestino. Saktong nasa labas sina Fin at Phoebe habang buhat-buhat ang dalawang hubad na babae nang lumabas sa kaniyang kuwarto si Yller at nakita niya ang lahat. Nagulat naman si Rare at hindi niya inaasahang makikita ni Yller ang kaniyang ipinpagawa sa dalawang tauhan. Napahinto sina Fin at Phoebe nang makita si Yller, agad silang sinenyasan ni Rare na ituloy ang plano kaya muli silang kumilos.

"Yller, mag-usap tayo."

"Sige."

Pumunta silang dalawa sa opisina niya at umupo sa sofa tiyaka muling nagsalita si Rare.

"Sana sa ating dalawa na lang ang nakita mo."

"Rare, ano pa't magkibigan tayong dalawa pero sana ito na ang huling beses na gagawin mo ang ganitong bagay."

"Hindi ko rin naman intensyon na gawin 'to. I need to do this to protect her."

"Her?"

"Sasabihin ko rin sa'yo kung sino ng pinoprotektahan ko."

"Rare, 'yong babaeng nasa kuwarto ni Johan. Please, huwag mo siyang gagalawin."

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon