CHAPTER 24

1.9K 98 11
                                    

Your votes and comments are highly appreciated.

Nakita ko lang na may ganyan yung iba gumaya lang ako. Hahahaha

Please bring a tons of a tissue paper while reading this.

Note for a masochist: paki-play na lang ang video sa itaas matapos niyo itong basahin para ma-touch kayo. 😂

-En

*******************

"Madam"

Nag-ayos si Shannon dahil kailangan niyang umalis sa Eseranza upang maasikaso ang organisasyon.

"Hmm?"

"Nakahanda na po ang lahat at hinihintay ka na rin ng eroplano."

"Sandali lang, pupuntahan ko muna si Rare."

"Sige po."

Matapos niyang mag-asikaso ay umalis siya sa kaniyang tinutuluyan at pumunta sa ospital. Nakasunod naman sa kaniya si Phoebe at saktong pagpasok niya sa kuwarto ni Rare ay sinalubong siya nina Bogart at Berto. Dumiretso si Shannon samantalang bahagyang yumuko sina Bogart at Berto upang magbigay galang.

Hinaplos ni Shannon ang buhok ni Rare tiyaka niya ito hinalikan sa noo.

"I love you, I'll fix everything and make you proud."

Mula sa noo hinalikan niya ang tungki ng ilong ni Rare hanggang madampian ng kaniyang labi ang labi nito. Walang pakielam si Shannon sa kanyang paligid dahil ang nakikita niya lang sa ngayon ay si Rare. Napansin ni Shannon ang pagtulo ng kaniyang luha kaya agad siyang tumayo ng matuwid at pinunasan ang kaniyang pisngi.

"Phoebe, let's go."

Pilit tinibayan ni Shannon ang kaniyang loob dahil sa totoo lang ay ayaw niyang umalis sa tabi ni Rare. Gusto niya ito bantayan, alagaan at higit sa lahat siya dapat ang unang makikita nito kapag nagkaroon na ito ng malay. Sa bawat paghakbang niya papalayo ay siyang punas niya ng kaniyang luha at nang makasakay siya sa eroplano ay hindi niya napigilang maiyak.

'Wala nang atrasan 'to, gusto ko mang manatili sa tabi mo ngayong kailangan mo ako pero kailangan kong magpakatatag at harapin ang lahat.'

Nang makaalis si Shannon ay nagulat sina Bogart at Berto dahil biglang tumunog ang makinang nakakabit kay Rare. Agad na alarma ang mga nars at dali-dali nilang tinawag ang doktor.

"Dok, huminto ang tibok ng puso ng pasyente, bumababa na rin ang BP niya."

Nang marinig nina Bogart at Berto ang sinabi ng nars ay agad na tumulo ang kanilang luha.

"Sa labas po muna kayo."

Ayaw man lumabas nina Bogart at Berto ngunit wala silang magawa. Kitang-kita nila kung paano nirerevive si Rare at ramdam nila ang pagbigat ng kanilang dibdib na para bang may pumipiga dito.

"Bogs"

"Hmm?"

"Sasabihan ba natin si madam?"

"Huwag muna, may importanteng aasikasuhin si madam ngayon."

"Bogs, paano na si boss?"

Napaupo si Berto sa sahig tiyaka yumuko. Kitang-kita ni Bogart ang madiing pagkuyom ng kamay ni Berto, napansin niya ring inuuntog nito ang ulo sa pader.

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon