CHAPTER 20

1.9K 83 16
                                    

Hello guys!

Nagpahinga lang ako ng isang linggo at ako ngayon ay nagbabalik hahaha.

Note: Bago mag Nov. 1 dapat matapos ko na 'to para masimulan ko ang pag-aupdate ng maayos kay Johan. Siyempre tulad ng naunang series hanggang chapter 30 lang ito at epilogue.

Love lots!

-En

****************

Sa di kalayuan nakita ni Berto na umiiyak si Bogart kaya mabilis siyang lumapit dito. Hindi sila makapagsalita dahil baka mahuli sila ng mga lalaking nakapalibot kay Lala. Agad na sumenyas si Berto at naintindihan naman iyon ni Bogart kaya sabay nilang pinaputukan ang dalawang lalaki at bago pa man mabunot ng isang lalaki ang kaniyang baril ay mabilis siyang pinaputukan ni Berto sa ulo.

Nagulat si Berto dahil lumapit si Bogart sa mga lalaking nakahandusay sa sahig at inubos nito ang bala sa mukha ng tatlong lalaki. Sa sobrang dami ng tama ay halos hindi sila makilala at kung hindi niya hinawakan ang kamay ni Bogart ay hindi ito titigil.

"Tama na, patay na sila."

Hindi sumagot si Bogart sa sinabi ni Berto at lumakad siya papalapit kay Lala. Hinaplos niya ang buhok nito kasabay ng pag-agos ng kaniyang luha. Inakbayan siya ni Berto at ramdam niya ang simpatya nito.

"Bogs, babawi tayo sa kanila."

"Salamat, Tobert, hanapin mo na si madam sa labas."

"Sige, dadaanan kita dito mamaya."

"Ge"

Lumabas si Berto upang hanapin si Shannon ngunit hindi niya ito makita. Napakunot ng noo si Berto dahil naubusan siya ng bala, ilang tauhan din ni Dragon ang kaniyang pinatay habang hinahanap si Shannon. Inilabas niya ang isang maliit na kutsilyo (dagger) at dahan-dahang kumilos pabalik sa kuwarto kung nasaan si Bogart.

"Bogs"

Humarap sa kaniya si Bogart at mahahalatang kagagaling lang nito sa iyak. Hindi pinansin ni Berto ang itsura ng kaniyang kaibigan dahil pinakaimportante ngayon ay ipaalam sa kanilang boss na nawawala si Shannon.

"Hindi ko makita si madam, mukhang nakatimbre na si Dragon at tumakas kasama si madam."

"Sige, tara na."

Gusto mang buhatin ni Bogart si Lala ngunit alam niyang makahahadlang lang ito sa kanilang misyon. Natitiyak rin naman niya na kukunin ng kanilang kasamahan ang bangkay nito. Pumikit si Bogart tiyaka hinalikan ang noo ng dalaga.

"Lalabs, mahal kita... Paalam na."

Napairap si Levi at gusto niyang dagukan si Bogart. Naaawa siya sa kaibigan ngunit nasa misyon sila ngayon at ang una nilang natutunan noon ay ang tanggalin ang nararamdaman upang mas mabilis makamit ang kanilang pakay. Ang palayaw na Lalabs ay pang-asar ni Bogart sa dalaga ngunit sino ba ang mag-aakala na ang palayaw na iyon ang tunay niyang nararamdaman at pilit niya itong itinago sa mahabang panahon ngunit ngayon ay huli na upang sabihin sa dalaga na mahal na mahal niya ito.

Mabigat ang paghakbang ni Bogart papalayo kay Lala. Paglabas nila sa mansyon ay literal na bumaha ng dugo. Ilang patay na tauhan ang nakahandusay sa sahig, mapa tauhan ni Dragon o ksamahan man nila sa misyon. Nakita nina Bogart at Berto ang tatlong tauhan ni Dragon na nakaluhod habang nakaharap kay kamatayan, si Fin. Nakangiti si Fin habang nakatutok ang baril sa ulo ng nasa gitna at ang kanilang boss ay nakamasid sa likuran habang nakasandal sa kotse at naninigarilyo.

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon