Chapter One

2.5K 68 4
                                    

Chapter 1


"Sumama ka na please?" Lei pouted as she putting her palms together. I rolled my eyes.


"Ayoko. Gawin mo pa akong third wheel," I said as I put my bag on my back, ready to go home.


"Hindi naman sa ganoon. I know that you still have doubts to Thirdy. Gusto ko lang patunayan sa iyo na seryoso siya sa akin..." gusto ko masuka sa sinabi niya. Oh come on, that's love. Love? My ass.


She's right though. Wala pa rin akong tiwala sa babaerong Thirdy na iyon. Mahirap din masabi na seryoso na talaga siya. Eh isang buwan pa lang silang magboyfriend girlfriend. At hindi ko pa rin masinsinang nakakausap si Thirdy.


"Kayo na lang mag-date," simple kong sabi.


"Okay..." she frowned but eventually she smile again. Napalingon ako at nakita si Thirdy na naghihintay sa kanya sa labas ng classroom. Tss.


I simply rolled my eyes and then started to walk towards outside the room. Nakita ako ni Thirdy at nginitian niya ako. I fake a smile on him too, mabilis lang iyon.


Pagkauwi ko, nagpahinga muna ako saglit bago naligo and then I did my homeworks immediately. Minsan naiinis ako sa sarili ko dahil kahit na next week pa ang passing ng mga assignment ko, ginagawa ko na agad. Parang sarili ko rin nagsasabi na... 'magpahinga ka rin!'


Hindi ko alam pero pinanganak na yata akong grade conscious. Umiiyak ako kapag mababa ang nakukuha ko sa quizzes at exams. Nalulungkot ako kapag hindi ako nakakapasa. Mama always told me to stay calm and I am doing good... but I want to be on top always. Pangit ba iyon na mentality? I think not. I am just doing my best.


Kaming dalawa na lang ni Mama ang magkasama... my Father left us. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit gusto ko mag-aral nang mag-aral... para may maganda kaming kinabukasan ni Mama dahil wala naman na kaming ibang katuwang pa.


I looked at the clock on my study table and it's already 1 am... Damn nagpupuyat na naman ako. It's okay, tomorrow is Saturday.


My phone beeped.


Lei:

Sumama ka na bukas please.


Ugh. Gising pa ang babaeng ito? I quickly type my reply.


Me:

Ayoko.


Lei:

Libre ko pamasahe mo pati lunch mo.


Me:

Still a no.


Lei:

May kasama ka naman eh.


Me:

Edi mas lalong ayoko!


When You Smile (Engineering Student #3)Where stories live. Discover now