Chapter Six

1.6K 63 14
                                    

Chapter 6


"Pre, normal lang ba sa engineering student 'yong 5 + 2 eh i-ca-calculator mo pa?" tanong ng isa kong kaklase.


His friends laughed. Muntik na nga rin ito mabugahan ng iniinom na tubig.


"Ayos lang 'yan naniniguro ka lang siguro." Natatawang saad ni Jim.


"Pati ba naman sa pag-add ng numbers may trust issues ka na rin, Jay?" Gillian, one of his friends commented too. He even laughed after that.


"Tangina bakit ba kasi ako nag-engineering?" Jay mumbled as he scratched his head.


Nasa likod nila ako at pinagmamasdan lang ang magkakaibigan. Ngumuso ako at pinipigilan makisama sa tawanan nila. I've heard a lot of rants and whereabouts about this course. They're right though, it's hard.


Marami na rin akong narinig na istorya kung paano sila napunta sa kursong ito at kung paano nila pilit na tinataguyod ang buhay dito. Unang taon pa lang namin pero nahihirapan na, paano na lang sa mga susunod na taon? Kakayanin naman... para sa pangarap.


"May na-guidance ata. Nakakuha ng warning." I heard my co-orgmates talking about something. May meeting daw ulit kami tungkol sa nalalapit na year end party kaya kami pinapunta lahat ngayon.


"Oh, kilala mo? Mabuti at warning pa lang."


"Hindi eh."


"Bakit daw?"


"PDA." Balita niya sa kanila.


Kumunot ang noo ko. Bawal nga naman talaga ang PDA dito. Tss, they can make out outside the campus or somewhere private.


"Ano 'yon, may nakakita?"


"Oo. Isang officer din ata ng isang org."


"Aww, saet naman," Ate Jane commented. "Sinumbong."


I heard someone chuckled. "Bawal talaga 'yon dito 'no. School's policy iyon."


"Oo pala, bawal pala iyon 'no? Sayang naman ife-flex ko pa sana jowa ko sa inyo eh." Kuya Nords joked. Napa-Ohhh namang ang mga ibang kasamahan namin. Naupo na rin ako sa tapat nila.


"Holding hands na lang," si Ate Jane.


"Naku, kailan mo ba kami ipapakilala sa jowa mo?" they teased.


"Nasa kabilang university eh," he replied. Hindi na nasundan ang usapan nang mag-umpisa na ang meeting namin.


When I got home, I went to my room immediately and took a nap. After my nap, I went downstairs to eat my dinner. Hindi pa pala ako nakakapalit ng damit. After na lang.

When You Smile (Engineering Student #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon