Chapter Eight

1.7K 71 21
                                    

Chapter 8


Sinusundan ko lang ng tingin sila Lei at Thirdy habang gumagala sa loob ng mall. Ugh, this is so boring. Ganito ba talaga ang date? Cause if yes, I don't want to have a date then.


My eyes automatically darted to the NBS section nang madaanan namin ito. Para akong nabuhayan ng loob.


"Lei," I called.


"Hmm?" lumingon siya sa akin. Itinuro ko ang NBS.


She knew what I am trying to say.


Mas maganda na lang na nandito ako, mas masisiyahan pa ako. Agad akong lumapit sa mga book section, nagtingin-tingin ng p'wedeng bilhin.


"You really love books huh." muntik ko na mahulog ang librong nasa kamay ko dahil sa biglaang pagsasalita ni King. Damn, sinundan na naman ako nito?


Kanina, matapos niyang tanggapin ang paumanhin ko hindi na kami nag-usap pa.


"Nakakagulat ka naman!" I hissed again.


"Paano iyong gulat?" natatawa niyang sabi.


"Ugh!" I turned my back on him. Good thing he doesn't bother me anymore. Nagkaroon ako ng tahimik na oras. Is he still mad at me? Hindi na niya ako kinukulit pa eh. Ah, whatever. I like it this way. It's peaceful.


I don't know how many hours I stayed here. Kung hindi lang nag-text si Lei na hinahanap niya ako ay hindi ko pa mapapansin ang oras.


Palabas na ako nang makita si King na nakahilig sa railings ng ikalawang palapag ng mall. Nasa harap ito ng entrance ng NBS at seryosong tinititigan ako. More likely he's waiting for me.


I stopped in front of him.


"Let's go?" he asked then he looked at his wrist watch.


Hindi ako nagsalita at nauna na maglakad sa kanya. I want to speak but I managed to stay silent and observe things.


"Punta kami sa Dagupan. Sama kayo?" Lei asked.


Umiling ako.


"How 'bout you, King?" that was Thirdy.


"No, thanks. Enjoy, bro," King replied. I frowned more because I will be left alone again.


"Paano ka, Cas? Ihatid kaya muna natin siya babe?" lumingon si Lei kay Thirdy and he agreed.


I quickly shook my head. "Hindi na. Mag-co-commute na lang ako."


"No, Casper. I insist. Isa pa sinama ka naman ni Lei."


When You Smile (Engineering Student #3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें