Chapter Twelve

1.6K 62 20
                                    

Chapter 12


I spent my time reading at library. Good thing I bring my books with me. Hindi ako sanay na walang librong dala. Parang kulang ang buhay ko kapag wala akong dalang libro.


Hindi ko namamalayan ang oras at mag-a-alas kuwatro na pala. Sa mga ganitong oras, kasama ko si Lei na kumakain sa annex at pagkatapos uuwi na kapag wala ng klase. Ngayon, siguro de-diretso na lang siguro akong uuwi.


Inilalagay ko na sa bag ko ang librong binabasa nang may tumabi sa akin, si King. Hinihingal pa nga siya eh. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya.


"Naabutan kita." he smiled.


My lips parted cuz he said a while ago that he will look for me here in library after his classes. So, tinotoo niya.


Nag-iwas ako ng tingin.


"Sana hindi ka na lang pumunta rito," sabi ko at saka naglakad na. Huminga siya nang malalim saka muling tumayo at sinabayan ako.


I logged out from the library's server first and then King.


"Gusto ko eh," he mumbled.


Pababa na sana ako ng hagdan nang lingunin ko siya. Hinihingal ito, bigla akong naawa sa kanya. Tss, kasalanan naman niya, bakit pa kasi siya pumunta rito. Sana umuwi na lang siya kaagad.


"Uuwi ka na ba?" nakakunot ang noo niya. May mga butil na ng pawis sa kanyang noo. Ang buhok sa bandang noo niya ay nagkandawatak-watak dahil sa pawis niya. Niluwagan din niya ang butones sa kanyang polo shirt para mas makahinga siya nang maayos.


Huminga ako nang malalim at napagdesisyunan na umupo sa upuan malapit sa entrance door ng library.


"Magpahinga ka muna," masungit kong sabi bago kinuha ang libro sa bag at muling nagbasa.


After a while, I felt him beside me. Pandalawahang upuan ito kaya katabi ko siya ngayon. Hindi ako nagsalita at itinuon lang ang atensiyon sa binabasa.


"Hindi ko pa nababasa iyong libro na binili ko."


I paused for a while.


"Anong libro?"


"The one I bought at NBS. Iyong pinakita mo sa akin."


Ah.


"Hindi ka naman pala pala-basa bakit ka bumili?" iling ko.


He chuckled.


Ilang minutong walang nagsalita sa amin. I feel comfortable sitting here. Is it because of the soft sofa here? Ah, maybe.


"Uuwi ka na?" King asked again.


I looked at him and I think he's already okay. Tuyo na ang pawis sa kanyang noo at hindi na rin siya hinihingal.

When You Smile (Engineering Student #3)Where stories live. Discover now