01 : Skip a Beat

90.4K 2.2K 797
                                    

IAN

"Ronnalyn, hintayin mo ako dito. Bibili si Kuya ng ice cream, okay?"

My little sister nodded. Napangiti na lang ako nang makita ang masaya niyang mukha. Napapatalon pa siya sa tuwa. Gustong gusto niya ang ice cream pero hindi ko siya magawang bilhan araw-araw. Kailangan ko pa kasing kumita para lang mabili ang mga gusto niya.

"Sige po, Kuya Ian."

"Good." I patted my six-year-old little sister. She just giggled.

Mabilis akong tumalikod sa kaniya para magtungo sa kabila. I checked if there was a car passing by. Nang mapagtanto kong wala ay tumawid na ako sa kalsada. Tinungo si manong na nagbibinta ng sorbetes.

"Manong, dalawa nga pong chocolate flavor," I said right after I reached his vendor.

"Para sa kapatid mo?"

I nodded and gave Ronnalyn a look. She waved her hands at the side of the road, so I waved back.

"Anong pangalan niya, 'nak?" masayang tanong ni Manong.

"Ronnalyn po," I replied.

Nang ibigay niya sa akin ang ice cream ay agad kong ibinigay ang barya-barya kong bayad. Masayang lumingon sa kinaroroonan ni Ronnalyn sa kabilang kalsada. I was about to walk towards her when a car suddenly crashed at her exact location.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko nang makita ang dugong dumadanaw na sa kalsada. Hindi ko na rin magawang huminga ng maayos. Nabibingi ako sa ingay sa buong paligid at habang tumatagal ay mas lalong dumarami ang taong lumalapit kung saan tumigil ang sasakyan.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko mapagtanto ang lahat ng nangyari. Nabitawan ko ang hawak kong sorbetes at mabilis na tumakbo sa mga nagkukumpulang tao. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko nang makita ang katawan ni Lyn na naliligo sa sariling dugo.

"L-Lyn... Lyn!" Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya. Akmang yayakapin siya nang pigilan ako ng isang matanda. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko, lalo na nang makita si Lyn na dumilat at iginalaw ang mga kamay niya. She was trying to reach my hand.

"Humihinga pa siya! Tumawag kayo ng ambulansya!" someone shouted.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napatingin ako sa sasakyang nakabangga sa kaniya nang marinig ang pagbukas ng pinto nito. Lumabas ang isang lalaking may kalakihan ang katawan, hawak-hawak ang ulo niya. Magulo ang buhok at suot niya. Nagdudugo rin ang noo niya. And one thing is for sure... he was drunk.

____

"MR. ANDRADA!"

I woke up from that nightmare after a shout covered the classroom. Nagtawanan ang mga kaklase ko nang makita nag mabilis kong pagtayo. Bumungad sa akin ang galit na mukha ng prof namin.

"Labas!"

"Labas po?" wala sa sariling tanong ko. Mas lalo namang lumakas ang tawanan sa loob ng klase dahilan para mas lalong mag-init ng ulo ng prof.

"Oo, labas!"

"Okay po!" masayang saad ko. Kinuha ang bag ko at naglakad patungo sa harap kung nasaan ang pintuan palabas. Sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa buong klase. Tumigil ang tingin ko sa direksyon ni Song na nakangising nakatingin sa direksyon ko. Palihim na ikinaway ang kamay. Umiling naman ako bago tuluyang lumabas.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon