15 : His Name

54.9K 2.1K 286
                                    

 
AVALYN
 

Minsan sa buhay ng tao, hindi nila inaalala ang pagtakbo ng oras. ‘Saka na lang sila natatauhan kapag huli na ang lahat. Sa parte ko, ang pinagsisihan ko lang ay hindi ko hinayaan ang mga taong nagmamahal sa akin na mapalapit lalo. Hindi ko hinayaang ipakita nila ang pagmamahal nila sa akin. Ngayon ko lang na-realized na mas masasaktan ko pala sila sa ginagawa ko. Kapag wala na kasi ako ay hindi na nila magagawa ang mga bagay na gusto nilang gawin kasama ako. They will regret and blame themselves for that. I won’t let that happen.

Ilang araw na lang bago ang operasyon ko. Sa totoo lang ay natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ang sabi kasi ay 50/50 lang na tanggapin ng katawan ko ang bago kong puso. At the same time, naiisip ko na kung hindi man ako mabubuhay pagkatapos ng operasyon ay okay lang sa akin.

“Lyn, halika na dito,” masayang saad ni Hana. Lumapit sa akin saka ipinulupot ang braso niya sa braso ko. Marahan naman akong natawa habang papalapit kina Mama na naghahanda ng pagkain. Naging masaya ang tanghalian namin. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo sila sa talon para maligo.

“Hana?”

Napatingin kaming lahat sa gilid namin nang may tumawag kay Hana. Sina Lance at Song lang pala.

“Anong ginagawa niyo dito?” untag ni Lance matapos nilang makalapit sa amin. Tumingin sa akin si Hana at kumunot ang noo. Siguro ay naisip na niya kung bakit ko sila dinala dito.

“Dinala ko sila dito,” ako na ang nagsalita. Hindi naman sila makapaniwalang tumingin sa akin. Muli ay nakita ko kung paano nila ako tignan ng nakakaawang tingin. Nasanay na rin ako. Bukod kasi sa akin ay sila ang mas nakakaalam ng mga pinanggagawa ni Ian. Kasama kasi sila sa kalokohan.

Noon ay gusto ko ring mainis sa kanila. Hindi nila kasi sinisita ang isa’t isa kapag may nagagawang pagkakamali. Hindi ba kasi ay ganu’n kapag kaibigan mo ang isang tao? Sila ang magtatama sa iyo kapag hindi na maganda ang tinatahak mo. Pero hindi iyon uso sa kanila. May isa silang patakaran para manatili ang pagkakaibigan nila, ang hindi makialam sa kani-kanilang personal na buhay.

“Kung nandito sila, nandito rin si—” Agad na hinanap ng paningin niya si Ian ngunit hindi niya makita kung nasaan. Wala rin ang babaeng kasama niya dito.

Hinawakan ko si Hana bago pa man makita si Ian. Baka kasi sumulpot si Ian at magkaroon ng gulo. “Hana, tara na.”

“Pero—”

“Okay lang,” kalmadong saad ko. Ngumiti ako sa kanila para siguraduhing okay lang ang lahat.

“Sige.” Wala naman siyang nagawa kung hindi ang tumango. Nagpaalam kami kina Lance bago umalis at nagtungo sa talon.

“Lyn?” tawag sa akin ni Hana. Sinisigurado kung okay lang talaga ako.

“Okay lang talaga,” paninigurado ko. “Nakausap siya kanina. Nagpaalam na ako. Pinalaya ko na siya.”

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Ngunit ilang saglit pa ay niyakap niya ako.

“Magiging okay rin ang lahat,” pagpapagaan niya sa loob ko.

“Okay lang talaga ako. Huwag ka nang mag-alala.”

“Gusto sana kitang pagalitan dahil paniguradong pumunta ka dito dahil kay Ian pero ‘saka na kapag magaling ka na. Isa pa, ang importante ay nandito ka sa tabi namin,” pahabol pa niya.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon