20 : Wish Granted

69.5K 1.9K 196
                                    


IAN


Nagising ako sa silid ko nang maramdaman ang taong gumigising sa akin. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Nakita ko na lamang ang sarili ko na nakaupo sa sulok ng silid ko, nakatitig sa kawalan. Hindi ko alam kung ilang oras akong ganu'n hanggang maramdaman ko ang antok. 

Mabigat man ang pakiramdam ko ay bumangon ako.

“Ian, anak? Anak, gumising ka.”

“M-Ma?” hindi makapaniwalang tanong ko nang makita si Mama sa harap ko. “A-Anong ginagawa niyo dito?”
 
Napakagat ako nang labi nang muling makita ang mukha ni Mama. Nagbabadya na naman ang luha ko na lumabas. Sa totoo lang ay ako rin ang dahilan kung bakit nila ako sinukuan. I was the one who pushed them away. Akala ko kasi ay wala na akong magiging lugar sa pamilya nila. Natakot lang ako na iwan nila ako at maging mag-isa ulit. Halos lahat ng mahahalaga sa buhay ko ay nawawala na lang.
 
“S-Sinabi sa akin ni Lyn ang bahay mo,” tugon niya. Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko nang maalala ulit si Lyn. Parang tinutusok na naman ng ilang milyong karayom ang puso ko. Agad akong napatayo. I need to go back to the hospital.
 
“A-Anong oras na?” tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa wristwatch niya bago sagutin.

“A-Alas syete nang umaga.”
 
Damn! Did I sleep for thirteen hours?!

“Ian!”

Mabilis kong tinungo ang labas. Ramdam ang kabang nagsisimula akong kainin. Malamang ay tapos na ang operasyon ni Lyn ngayon.
 
Nang makarating sa elevator ay napahawak ako sa pader. Ngayon ko lang naramdaman ang panghihina ng katawan ko. Umiikot din ang paligid ko. Napatingin ako kay mama nang hawakan niya ang balikat ko.

“Saan ka pupunta? Inaapoy ka ng lagnat!” nag-aalalang sabi niya. Umiling ako sa kaniya. Ikinuyom ang kamay ko para itago ang panginginig ko.
 
“K-Kailangan kong bumalik sa hospital, Ma. Kailangan ako ni Lyn!”
 
Agad akong pumasok sa elevator nang magbukas ito.
 
“Ian!” Wala na siyang nagawa kung hindi ang hayaan ako. Naluluha siyang nakatingin sa akin bago pa magsara ang elevator.

Paglabas ko ng condominium ay bumungad ulit sa akin ang malakas na ulan. Hindi na ako nagdalawang-isip na magpaulan para sumakay ng sasakyan sa kabilang kalsada. Natigilan na lang ako nang marinig ang nakakabinging busina ng motor. Hindi ko pa nagagawang lumingon sa kaliwa ko nang maramdaman ko ang pagtama nito sa akin. Ramdam ko ang pagtilapon ko sa lupa.

Umiikot na ang paningin ko. Sinubukan kong tumayo pero ayaw makisama ng katawan ko. Ramdam ko rin ang kirot ng ulo ko.
 
“L-Lyn...” bulong ko hanggang tuluyan na akong kainin ng dilim.

____

HINAHABOL KO ang hininga ko nang magising ako. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. I looked around. I am still in my unit. Another nightmare? Napatingin ako sa pinto nang marinig ang mga kaluskus. Hindi pa rin ba umaalis si Mama?

Naglakad ako patungo sa labas ng silid. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko sa bawat paghakbang ko. Tumigil ako sa kusina nang makita ang isang pamilyar na likod. Nagluluto siya ng menudo.

"Lyn?" tawag ko sa kaniya. She innocently looked at me and smiled.

"Gising ka na pala," she happily stated. Lumapit siya sa akin dala ang sandok na naglalaman ng niluluto niya. "Tikman mo."


I didn't stop staring at her. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"May problema ba? Bakit wala ka sa sarili?" tanong pa niya. Ibinaba niya ang hawak niyang sandok at lumapit sa akin. Hinagkan niya ang magkabilang pisngi ko at tinignan ako sa mga mata.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon