19 : The Operation

65.6K 2.2K 232
                                    


IAN

 
I thought everything stopped when she stopped at the middle of the road, and she turned her back to face me. She pressed her chest tightly like she could hardly breathe.

“Lyn,” I muttered. Bakas sa mukha niya na hirap siyang huminga. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang naglalakad patungo sa kaniya. Hindi ko man lang magawang lingunin ang mga sasakyang dumaraan.
 
Natigilan ako nang biglang magliwanag sa kinatatayuan niya. Isang truck ang papalapit sa direksyon niya. Gusto kong tumakbo patungo sa kaniya pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Biglang nanumbalik sa alaala ko ang araw kung kailan nawala sa akin ang kapatid ko. No, not again. God! Not her!
 
“Lyn! Umalis ka diyan!” I shouted. Hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Tumingin lang sa sasakyang papalapit sa kaniya na tila hinihintay ang pagtama nito sa kaniya.

“LYNNNN!!” Naipikit ko ang mga mata ko. Malakas na bumusina ang truck kasabay nang pagdaan niya kung nasaan si Lyn. Bumagsak ako sa lupa dahil sa panghihina. Pakiramdam ko ay nabibingi ako sa mga busina ng mga sasakyan.
 
Ilang segundo pa ang lumipas nang muling nanumbalik sa normal ang pandinig ko. Muli akong tumingin sa kinaroroonan ni Lyn. Napangiti ako, tila nabunutan nang tinik nang makitang nakatayo na siya sa gilid ng kalsada. Akala ko ay masasagasaan siya ng truck. Ngunit nawala na lang ang ngiti sa labi ko nang makitang ang biglaan niyang pqgbagsak.
 
“Lyn!” Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya.
 
“Lyn... Lyn! Shit! Lyn, don’t leave me! Please!” Nanginginig na ang buong katawan ko. Lalo na nang hindi ko na maramdaman ang paghinga niya o kahit ang pagtibok ng puso niya.
 
“Tulong! Please! Tulungan niyo kami!”

Nanginginig ang mga kamay kong ipinatong sa dibdib niya para ibalik ang pulso siya. I know how to perform CPR, but this is my first time to perform it in an actual person. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. I just want to revive her as much as I can.
 
“Anong nangyayari?” Napatingin ako sa isang matandang lumapit sa amin. May ilang tao na din akong nakikita galing sa mga bar.
 
“Tumawag kayo ng ambulansya!” I can’t bear losing someone I love again in front of my eyes. Masakit na sa akin noong mawala si Ronnalyn sa harap ko. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala.

Nagpatuloy ang pag-pump ko sa dibdib niya. Makatapos ang ilang saglit ay itinapat ko ulit ang tainga ko sa dibdib niya. Tila gusto ko namang bumagsak nang muling marinig ang puso niya. She’s alive.

Pumaradang sasakyan sa harap namin. Mabilis kaming tinulungan ng mga taong isakay siya sa sasakyan.

“Lyn. L-Lyn, stay with me...” naghihina na ang boses ko. Halos maghilamos na ako sa dami ng luhang lumalabas sa mga mata ko. Hindi ako makahinga ng maayos. I want to shout to ease the pain, but I know it won’t help the situation.

Mabilis kaming nakarating sa hospital. Agad ko siyang pinasan at ipinasok sa loob.

“Tulong! Tulungan niyo kami!”

May ilang sumalubong naman sa aming doctor. Tila kilalang kilala si Lyn dito.
 
“Ihanda niyo ang emergency room!” bulalas ng isang doctor. Pinahiga nila sa isang kama si Lyn at agad na dinala sa isang silid. I want to go with them, but they stopped me.

“I’m sorry but you are not allowed to enter,” saad ng doctor bago pumasok na din sa loob. Bumagsak naman ako sa sahig. Napasandal sa pader dahil sa panghihina. I want to hurt myself for everything. This is all my fault. She should not be there if it wasn’t for me.
 
Agad akong napatayo nang makita muli ang isang pasyenteng ipinapasok nila sa loob.
 
“A-Aivan!” I hissed. Wala na akong nagawa nang maipasok na nila sa loob. I almost forgot that he was the donor.
 
“I-Ian...”

I looked at ate Fatima who was standing next to me. Naguguluhan siyang tumingin sa akin.
 
“A-Anong ginagawa mo dito?” naguguluhang tanong niya.
 
“A-Ate...” Napakagat ako ng labi nang magsimula na namang tumulo ang mga luha ko. She hugged me without even asking why. She caressed my head to comfort me.
 
“Ate, k-kasalanan ko ang lahat,” paninisi ko sa sarili ko.

“Shhh. Huwag mong sisihin ang sarili mo.”

“No. I-I am the reason why she’s dying,” halos pabulong ko nang saad.

Ngayon ko lang mapagtanto ang lahat. If only she didn’t join Girls Basketball League because of me. If only I was there to take care of her and forget my hatred towards her father. If only I was a good boyfriend to her. If only I didn’t cheat on her. Ano ba ang ginawa ko?
 
Ikinuwento ko kay Ate Fatima ang lahat. Ate Fatima didn’t know that Lyn was my girlfriend. I thought it would be better if she didn’t know that the girl who Aivan liked was my girlfriend.
 
“Shh. It’s okay. Magiging okay rin ang lahat.” Iyon lang ang sinabi ni ate Fatima. Muli niya akong niyakap nang magsimula na namang tumulo ang luha ko.

“Ikaw!”

Nagkagulo na lang ang lahat nang may humablot sa akin at sinuntok. Agad naman akong bumagsak sa sahig.
 
“Philip!”
 
Nalasahan ko ang basag kong labi. I deserved this at least.

Kita ko ang pagpigil ng asawa niya sa kaniya na saktan ako. Dumating din ang ilang doctor at nurses para pigilan ang pangyayari.
 
“Sir, nakikiusap po akong huwag kayong gumawa ng gulo dito. Hindi makakabuti sa ibang pasyente,” mahinahong saad ng isang doctor.

Galit namang sinuntok ng ama ni Lyn ang pader para maibsan man lang ang galit na nararamdaman niya. Malaki ang pangangatawan ng ama ni Lyn dahil isa siyang sundalo noon but despite his appearance, he’s crying right in front of my eyes.

Kitang kita ko ang panghihina niya nang lumingin sa akin. Dahan-dahan naglakad patungo sa akin. Agad naman siyang pinigilan ng asawa niya ngunit sinabi niyang hindi siya manggugulo.

Nanlaki ang mata ko nang lumuhod siya sa harapan ko.
 
“Ito ba ang gusto mong maging kabayaran sa lahat ng ginawa ko?” tanong niya habang tumutulo ang mga luha niya. Agad naman akong umiling. Kahit ako ay hindi gustong mangyari ito.

“S-Sa loob ng labing limang taong pagkakakulong ko, a-ang pinagsisihan ko lang ay hindi nakasama ang anak ko sa labing limang taon na iyon. Pero ikaw . . . Ikaw ang nandiyan para sa kaniya pero anong ginawa mo?”

Napayuko naman ako. I’m guilty for everything. Lumapit naman ang asawa niya at niyakap siya. Hindi na rin mapigilan ang mga luha niya. Napatingin ako sa mukha niya nang marinig ang tila natatawa siya habang patuloy pa rin ang mata niya sa pagluha.
 
“T-Tama nga namang kunin mo ang buhay ni Lyn. Sa kabila ng lahat, puso ng kapatid mo ang bumubuhay sa kaniya sa loob ng labing limang taon.”

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ramdam na naman ang tila pinipiga sa loob ng dibdib ko.

“A-Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong.
 
“K-Kapatid mo ang naging donor ni Lyn noong maliit pa siya.” Ang ina na ni Lyn ang sumagot sa tanong ko. Napasinghap naman ako. Hindi ako makahinga. Gusto ko na lang takasan ang lahat ng ito.

Dumako ang tingin ko sa papa ni Lyn. Umiling lang ito at pilit na ngumiti sa akin.

“Paano ko pagsisisihan ang ginawa ko kung ang kapalit ay ang buhay ng anak ko?”

Umiling ako sa kaniya. Tumayo ako at nagmadaling tumakbo palayo. I want to run away from them, from everything. Ayaw kong maniwala.

Sumulong ako sa ulan pagkatapos kong makalabas sa hospital. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Ang alam ko lang ay gusto kong makalayo. Ilang saglit pa ay napaluhod ako sa pagod at panghihina.

“AACK! AAAAHH! ARGH!” Gusto kong sumigaw para maibsan man lang ang paninikip ng dibdib ko.
 
All this time, Ronnalyn was with me. My little sister was with me. Kaya pala ang gaan ng loob ko kay Lyn simula nang makilala ko siya. Maybe this was the reason why I met her after I lost my little sister. W-What did I do?

Muli kong naalala ang sinabi ni Lyn pitong araw na ang lumipas.
 
“Bigyan mo ako ng pitong araw. Pitong araw pagkatapos nu’n malaya ka na.”

I just lost the chance to be with her. She even asked me to give her reason to live, yet I did nothing but to hurt her.

“Give me back the 7 days I lost...” halos pabulong ko nang saad.
 
“Give me a chance to be with her! Please!” I desperately wished before I looked at the dark sky.

But I know... It won’t be granted.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon