17 : Day Six

60.2K 2K 36
                                    

AVALYN


Hating gabi na ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko maintindihan ngunit tila binabagabag ako ng sarili kong isipan. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang nakita ko kanina.

That mysterious guy is alive. He's not a guardian angel nor a ghost but a guy who was just sleeping for a long time.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya nagpapakita sa akin pero sa hindi malamang dahilan ay unti-unti siyang naging pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan.

Napabuntong hininga na lamang ako. Sa halip na hintayin ko ang sarili kong dalawin ng antok ay lumabas na lang ako para magpahangin. Nauuhaw din ako at wala nang tubig sa silid ko.

Bukas ang canteen kahit sa madaling araw para sa mga naka-shift sa gabi kaya't naisipan kong bumaba na lang para bumili ng bottled water. Malapit na ako sa canteen nang matigilan ako nang makita ang isang pamilyar na ginang na bumibili ng kape. Nanlaki ang mata ko nang makilala siya. It was Ian's foster mother!

"T-Tita Naliah," gulat na sambit ko. Agad naman siyang napatingin sa akin. Gaya ko ay nagulat din siya nang makita ako.

"L-Lyn!"

"A-Anong ginagawa niyo dito?" utal kong tanong. Ibinaba niya ang binili niyang kape at nagtungo sa akin, agad na hinawakan ang kamay ko.

"Inaapoy kasi ng lagnat ang anak ko," sabi niya. "Kamusta ka na? Si Ian, kamusta na?"

Bumagsak ang balikat ko nang marinig sa kaniya ang pangalan ni Ian sa kabila nang ginawa nilang pag-iwan sa kaniya.

"Tita, bakit hindi niyo po ulit kinontak si Ian matapos niyong mag-ibang bansa?" malungkot na tanong ko. Pansin ko naman ang pagbagsak ng balikat niya.

"Would you mind if you spare me some of your time?"

Agad naman akong tumango. Kahit ako ay gustong malaman ang dahilan kung bakit nila nagawang iwan si Ian. Umupo kami sa isang bench sa gilid ng pasilyo. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.

"Hija, iyon ba ang sinabi sa iyo ni Ian?" malungkot na sabi niya. Hindi ko nagawang kumibo. Bumuntong hininga naman siya.

"Hindi totoong inabandona namin si Ian. Ang daming beses namin siyang kinumbinsi na sumama sa amin sa ibang bansa pero ayaw niya. Umalis siya ng bahay at pinutol ang lahat ng ugnayan sa amin."

"We thought he just needs time to think. Lalo na nang mapansin naming nagbago siya matapos kong iluwal si Jayzam. Oo, masaya kaming dumating sa amin si Jayzam. Ang tagal naming inasam na mag-asawa na magkaanak. Hindi namin alam na sa sobrang pagbibigay namin ng atensyon sa kaniya ay unti-unti naman kaming nawalan ng atensyon kay Ian kaya hindi namin siya masisisi kung bakit niya kami kinamuhian."

Hindi ko magawang kumibo. Kung ganu'n ay si Ian ang pumutol ng ugnayan nila?

"Lyn, may kaunting pabor sana ako sa iyo. Kung maaari, pwede ko bang makuha ang bagong number ni Ian ngayon at kung saan siya nakatira?"

Ilang segundo akong tumitig sa kaniya bago nagawang tumango. "Oo naman po."

Nagtungo kami sa silid ko para kunin ang phone ko. Nagtaka na lang ako nang bumungad sa screen ang daming missed call galing kay Ian.

"May problema ba?" tanong ni Tita sa akin nang mapansin ang ekspresyon ko.

"Wala po. Tumawag kasi sa akin si Ian," tugon ko. Agad ko siyang tinawagan pabalik ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

"Bakit siya napatawag?" tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako kay Tita na nakatayo sa harap ko. Iniabot sa kaniya ang phone ko para ibigay ang number niya at ang address ni Ian.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon