02 : Her life

65.4K 2.1K 167
                                    


AVALYN

Napatingin ako sa buong cafeteria ngunit ni anino ng taong gusto kong makita ay hindi mahagip ng mga mata ko. Darating ba siya?

Bumagsak ang balikat ko nang mapansin ang saya sa bawat estudyante na nandito. Tila wala silang kaproble-problema sa buhay. Minsan ay gusto kong mainggit sa kanila. Gusto ko ring mamroblema lang sa academic, makipagtawanan sa mga kaibigan ko, o pumunta sa mga lugar na gusto ko. I want to live my life to the fullest.

Sabi ng iba everything in life happens for a reason, and God has a better plan for why he let it happen. Minsan hindi ko magawang maniwala sa kasabihang iyan. It was always hard for me to live this life. Nakakapagod.

Parang araw-araw ay wala kang makitang liwanag. Nakakasawa ring ang maghanap ng rason para mabuhay, makahanap ng taong makakapitan, makahanap ng taong hahawakan ka hanggang dulo. Iyon bang taong hindi ka susukuan? No matter what it takes.

Napakaswerte siguro ng taong makakaranas ng ganu'n. Napakasaya siguro? Kasi ako? Oo, siguro naranansan ko na noon. Kaso nga lang, alam kong hindi ko na mararanasan ang bagay na iyan.

Everyone is always giving up on me.

Kahit hindi pa nila sinusubukan.

Kahit ako na ang humawak ng mahigpit.

Bibitaw at bibitaw pa rin sila.
 
Ibinaling ko ang tingin ko sa cellphone ko para tignan kung sumagot si Ian sa mga text ko. Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang makitang hindi pa rin ito sumasagot. Siguro busy lang. Graduating na kasi sila.

Ian has been my boyfriend for seven years. Isa siyang basketball player sa school namin. Isa rin sa mga pinagkakaguluhan. Sabi ng iba, ang swerte ko raw para maging girlfriend ng isang Ian Andrada. Bukod kasi sa magaling ito sa larangang basketball ay hindi rin maitatangging gwapo siya. Kaya nga maraming nagkakadarapa sa kaniya kahit alam nilang may girlfriend na ito.

Ang iba naman ay sinasabing masyado akong desperada. Halata na raw kay Ian na pagod na siya sa relasyon namin pero hindi pa rin ako bumibitaw. Minsan natatawa na lang ako. Hindi ko naman itinatanggi ang mga sinasabi nila. They are almost right. 

“Ms. Manahan?”

Napatayo ako nang lapitan ako ng isa sa mga prof ko.

“Good noon po, Ma'am.”

“I just want to inform you about your exam. I'll give you a chance to take the exam. Kinausap na ako ng mga magulang mo about dito at iyong rason kung bakit absent ka last week.”

Matamlay naman akong tumango. “Sige po. Thank you po.”

Hinawakan niya balikat ko na tila ba kino-comfort ako. “Next time ay sabihin mo na sa akin ang kalagayan mo. I'm here if you need my help.”

“Opo. Salamat po ulit.”

Napaupo ulit ako matapos niyang umalis. Muling nanumbalik sa akin ang mga sinabi niya. Magulang?

Tatlong buwan na simula nang mamatay ang mga taong umampon sa akin. Sa araw ng burol nila ay 'saka naman dumating ang dalawang mag-asawang nagsasabing sila ang totoo kong magulang. I don't know how to react. I don't even remember their faces. I was just only six years old when they left me without saying anything kung kailan sila babalik.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon