21 : Day Seven

78.1K 2.4K 548
                                    

IAN

Kinabukasan ay gaya nang napag-usapan namin ay pumunta kami sa beach. She was wearing white dress and straw-hat with a ribbon. Mukha siyang pupunta sa bakasyon. Inasar-asar ko pa siya sa suot niya dahil ngayon ko lang ulit siya nakitang mag-suot ng bestida. Ayon, buong byahe naming ay nakasimangot siya. Buong byahe ko rin siyang kinulit hanggang sa pansinin niya ako.

Binisita naming ang ilang pasyalan sa beach. May ilang rides na itinayo malapit sa baybayin kaya tinry muna namin ang lahat pwedeng masakyan. Buong araw kaming nagsaya hanggang sa malapit nang lumubog ang araw. I feel happy and contented until the sun set again.

Nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo sa hindi kalayuan kay Lyn. Pinapanood siya habang siya naman ay pinapanood ang paglubog ng araw. Abot ng maliliit na alon ang walang saplot niyang mga paa. Hindi alintana ang nababasa na niyang bestida. She does really love watching the sunset.

Ilang saglit pa ay naisipan ko nang lapitan siya. I hugged her from her back and put my head on her shoulder.

"Ian," masayang sambit niya sa pangalan ko.

"Gusto mong magpalipas muna ng gabi dito?" tanong ko sa kaniya. She shook her head before she faced me. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng lungkot.

"Kailangan na nating magpaalam sa isa't isa," marahang aniya. Naguguluhan naman akong tumingin sa mga mata niya. Para akong nagising sa reyalidad. Inaasahan kong mangyayari ang lahat ng ito pero hindi ko pa rin matanggap.

"W-What do you mean?" maang ko. For the last time, I want to believe everything was true and that this is my reality. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang nakangiti.

"Tapos na ang araw na hiniling mo," tugon niya. "Kailangan mo nang bumalik, Ian."

Kinagat ko ang labi ko nang magsimula na naman itong manginig. Alam ko sa simula pa lang na isang panaginip lang ito pero bakit ang sakit? Ang hirap pa ring paniwalaan. Everything feels surreal.

Ramdam ko ang paghaplos niya sa pisngi ko. "Ian, ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari ay hinding hindi ka na lilingon sa nakaraan."

Paano ko magagawang hindi lumingon sa nakaraan kung bawat bagay na makikita ko ay magpapaalala sa iyo?

"Tuparin mo ang mga pangarap natin kahit hindi na ako iyong kasama mo."

Paano ko kakayaning tuparin iyon kung ikaw ang isa sa dahilan kung bakit ako nangarap? Ikaw ang kasabay kong nangarap.

Umiling ako sa kaniya. Hindi mapigilan ang mga luha kong patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko. "L-Lyn, hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng ito."

"Ian, alam kong kakayanin mo. Ikaw pa ba?" natatawang tugon niya. Umiiyak na rin siya sa harap ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nanatili sa mga pisngi ko.

"Mangako ka sa akin na magiging okay ka pagkatapos nito. Hmm?"

Muli akong umiling sa kaniya. "H-Hindi ko kakayanin."

Yumuko ako. There is no way I could accept this. Hindi ko pa nagagawang bumawi sa kaniya sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Hindi ko pa nagagawang itama ang mga mali ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Agad naman akong yumakap pabalik.

"Kung meron man tayong pangalawang buhay, pipiliin at pipiliin pa rin kita," bulong niya.

"Hihintayin ko iyan," halos piyok kong tugon. Nanatili kami sa ganu'ng posisyon makalipas ang ilang segundo. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya nang maramdamang tila unti-unti na siyang naglalaho.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon