16 : The Donor

55.3K 2.2K 240
                                    

IAN


Umalis sa lugar namin para mapag-isa. Nagtago muna sa kakahuyan at baka may makakita sa akin. And here I am, crying while hiding in a huge tree. Darn! Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon nang ganito. Nakakabuwiset! Ang akala ko ba ay ito ang gusto mo ngayon, Ian? Bakit umiiyak ka ngayon.

"Mahal mo pa rin ba siya?"

Natigilan ako sa pag-iyak nang marinig ang boses ni Mildred sa likod ko. Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya. Matamlay naman siyang lumapit sa akin.

"Anong sinasabi mo?" maang ko. But that question hits me hard. Do I still love her? Aminin ko man o hindi, mahal ko pa rin siya. Kung hindi ay hindi sana ako umiiyak dito ngayon.

"Nakita ko kayo kanina, Ian. Nakita kong umiyak ka kanina," malamig niyang saad. Dumako ang tingin niya sa mga mata ko.

"Kahit ngayon," dagdag pa niya. Halatang dismayado.

"Red, hindi sa ganu'n. Marami lang kaming pinagsamahan ni Lyn. Sinabi lang niyang hindi na niya ako guguluhin," pagdadahilan ko. Unti-unti namang nag-iba ang mukha niya, naging maamo na ito ulit.

"Talaga?"

"Oo," paninigurado ko.

"Sige, magpapalit lang ako. Matulog ka na lang muna. Sabi mo ay hindi ka pa natutulog mula pa kahapon. Baka mag-collapse ka dito nang wala sa oras," biro niya bago tumalikod at umalis.

Ngumiti naman ako sa kaniya bago tumango. Umalis siya sa harap ko upang makapagpalit. Muling bumagsak ang balikat ko nang tuluyan na siyang makaalis. Muli kong naramdaman ang muling pagpiga ng puso ko.

Napatingin ako sa gilid ko nang makita sina Owen kasama ang girlfriend niya na pababa mula sa taas ng talon. Mabilis akong lumapit sa kanila dahil sa pagtataka, lalo na nang makitang basang basa sila.

"Where did you guys go?" tanong ko. Owen just smirked. Tinapik niya ang balikat ko at umalis. Kay Jirsten ko naman naibaling ang tingin ko.

"Pumunta kami sa taas. Hindi sinasadyang mahulog sa ilog," paliwanag niya.

"Ahh."

Napabuntong-hininga ako matapos nilang umalis sa harap ko. Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Wala akong tulog mula pa kahapon. Dumagdag pa ang bigat ng pakiramdam ko.

Nagtungo ako sa tent namin at hinayayaan ang sarili kong makatulog, nagbabakasaling mawala ang nararamdaman kong paninikip ng dibdib ko. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mukha ni Lyn.

Ngayon ko lang napansing ang laki ng ipinayat niya, nangingitim na rin ang ibabaw ng mata niya, maputla ang kulay niya at mahina siya kung magsalita. Is she okay?

Gabi na nang magising ako sa isang bangungot. Agad akong napahawak sa pisngi ko nang maramdamang basa ito. Did I cry? I can't even remember my dream, but my heart is aching right now. I feel like I missed something important.

Nadatnan ko sina Lance habang ang mga babae ay nasa loob na nang kanilang tent.

"Gising ka na pala," ani Lance nang mapansin ako.

"Bumalik na ba si Mildred? Kanina pa umalis, hindi pa rin bumabalik," takang tanong ni Song.

"Anong hindi pa bumabalik?" takang tanong ko.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon