04 : The Deal

60.4K 2.2K 299
                                    

AVALYN


Minsan napapahawak ako sa puso ko. Hindi ko man lang maramdaman ang pagtibok nito. Sobrang hina na kahit anong oras ay pwedeng tumigil na lang. Nararamdaman ko lang naman itong tumibok ng malakas noong nakilala ko si Ian.

Nakilala ko si Ian noong high school. Naging kaibigan at kinalaunan ay naging boyfriend. He was the one who approached me first. Hanggang nagkasundo kami at kinalaunan ay naging best friend ko siya. Though behind that best friend relationship, I was secretly loving him.

He loves basketball and so do I. Inimbitahan niya akong sumali sa Girls Basketball League para lagi kaming magkasama. His goal is to be part of national Basketball team.

Kinalaunan, umamin siya sa akin na gusto niya rin ako. We were senior high back then. Sinubukan nila akong i-prank kasama ang mga teammates niya. Hindi daw magkamalay si Ian nang tamaan ng bola. Tapos kailangan ng CPR. Kung sino man ang nag-isip nu'n, kinulang ata sa aruga. Hindi pa ako nababaliw para paniwalaan ang sinabi nila. Lalo na't nakikita kong pigil na pigil sa pagtawa si Ian when he was supposed to be unconscious.

I pinched his nose to stop his breathe. Doon lang siya nagising. Himala! Nabuhay ang patay! Masama pa akong tumingin sa kaniya bago umalis. Nakakainis kasi. Kasagsagan ng klase namin nang mambulabog ang mga mukong.

"Avalyn Manahan! Gustong gusto kita!" He shouted before I could leave the place. Nanlalaki pa ang mga mata ko noon dahil sa sinabi niya. Sigawan naman ang mga tao sa paligid namin.

"At kung papayagan mo ako, liligawan kita! Kahit sagutin mo ako, liligawan pa rin kita araw-araw! Gagawin ko iyon kasi gusto kita! Gustong gusto kita!"

Gusto kong magsaya. Sinong hindi matutuwa kapag nalaman mong gusto ka ng taong gusto mo? Pero hindi iyon ang tamang oras para magsaya ako. Hindi nakakatuwa ang ginawa nila!

Gaya nang sinabi niya ay niligawan nga niya ako. Sinagot ko siya after seven days. Why? Birthday niya kasi nang araw na iyon. I wanted to surprise him. Isa pa, gusto ko siya. Bakit ko pa patatagalin?

I thought everything was perfect. Tanggap siya ng mga magulang ko at ganu'n din ako sa pamilya niya. Akala ko okay na ang lahat, hanggang sa bumalik ang sakit ko dahilan para tumigil ako sa paglalaro. Kinuwestiyon pa niya ako kung bakit. Pangarap namin iyon eh. Pangarap naming makasali sa National basketball team. Nagalit siya sa akin. Bakit kailangan ako daw tumigil kung iyon ang pangarap namin?

I can't tell him the reason why. Ayaw kong saktan pa siya lalo. Ayaw ko mang iwan siya gaya nang ginawa sa kaniya nang mga magulang niya, wala akong magawa.

I must find another donor again to live. Unfortunately, kahit makahanap ng donor ay maliit ang tyansa ko dahil napalitan na ito noon. Another operation would risk my life.

Hindi niya ako kinausap nang ilang linggo. Hindi ko rin siya makausap dahil kailangan kong manatili sa hospital. Halos araw-araw kung atakehin ako. No one knows my condition except my bestfriend Hana and my parents. Ayaw kong maging pabigat. Parehong doctor ang mga kumupkop sa akin noon. Wala silang anak kaya't noong iniwan ako ng sarili kong mga magulang ay sila ang tumayong magulang ko. Sila lang ang kaya kong sandalan sa mga araw na hindi ko kayang huminga. Sila ang pahinga ko.

Pero ika nga nila, walang permanente sa mundo.

Isang gabi ay nagpaalam sila sa akin na uuwi sila ng bahay para kumuha ng ilang gamit. Kailangan ko kasing manatili ng ilang araw sa hospital para i-monitor ang puso ko. Nangako silang mabilis lang sila at babalik sila.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon