23 : The Letter | FINALE

69K 2.3K 313
                                    


IAN

Gabi na nang makarating ako sa lugar kung saan gaganapin ang selebrasyon matapos ang kasal ni Aaron at ang girlfriend niyang modelo. Masaya akong sinalubong ni Song at Lance.

"What the hell, dude?! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?!" nagagalak na ani Lance. Niyakap ako at ganu'n rin si Song.

Lumapit sa amin si Dom kasama ang long-time girlfriend niyang si Heidi. Si Owen at si Aaron na kahit abala sa pakikipag-usap sa mga bisita ay nagawang magpaalam sa mga ito para magtungo sa kinaroroonan namin.

"How's life?" ngising untag ko matapos naming batiin ang isa't isa.

"Kasal na kami," ani Dom kasabay nang pagtaas niya sa kamay nila ni Heidi na mayroon nang singsing. Akalain mong ang tibay ng relasyon nila. Naging sila sophomore pa lang si Dom pero ngayon ay kasal na sila.

"Congrats!"

"Ikaw lang naman ang single dito," biro ni Song sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa. Gusto ko sanang sabihing mas gusto ko pang mag-isa kaysa bugbog araw-araw sa asawa ay hindi na ako nagsalita. Baka sapakin ako bigla. Mahirap na.

"Huh? Bakit kinalimutan niyo itong si Owen? Takbuhan ba naman ang bride niya," singit naman ni Lance.

Masama siyang tinignan ni Owen na siya namang ikinatawa naming lahat.

"I guess, first love never works---"

"Pat is my first love," inosenteng putol ni Song kay Lance. Gulat naman kaming napatingin sa kaniya. Hindi namin inaasahan ang sinabi niya. Hindi kapani-paniwala, lalo na't hindi lumipas ang araw na hindi sila nagbabangayan.

"The hell?! Seryoso?!" bulalas ni Lance.

"Ah. Hindi niyo ba alam na MU nitong si Song si Pat noong highschool? Nu'ng ma-break sila, para na silang aso't pusa. But look at them now? Aso't pusa pa rin!" ngising pag-aasar ni Dom.

"Ugh! Sinabi mo pa. Lagi akong nabu-bully nu'n, lalo na ngayong pinagbubuntis niya ang panganay namin," pagsang-ayon ni Song.

Habang nagkukuwentuhan kami ng mga naging buhay namin sa loob ng apat na taon ay lumapit sa amin ang asawa ni Aaron.

"Guys. This is Skylar, my wife," pagpapakilala ni Aaron sa asawa. Maganda ang asawa ni Aaron. No wonder, one of the well-known models.

Naalala ko noon na nahulog noon si James Aaron sa girlfriend ng kambal niya. Ilang taon din siyang hindi kumausap ng babae dahil hindi maka-move on. Okay naman siya doon kasi tanggap na niyang hindi sila pwede noong gusto niya, lalo na nagkaroon ng anak ang babae sa kapatid niya. Nagkagusto ulit siya sa isang babae four years ago. Sa babaeng gusto ni Owen. Hindi nila napapansin iyon dahil ako ang laging kasama niya noong palihim niyang pinagmamasdan iyong babae. Binibigyan pa niya ng kung ano-anong sweet na pagkain. Kaso lang, hindi rin siya nagkaroon ng chance na magtapat dahil bukod sa paghanga lang ang nararamdaman ay mukhang alam niyang gusto ng babaeng iyon si Owen.

"Honey, this is Ian, one of my college friends, and Owen. You already know these three idiots," dagdag niya, pertaining to Song, Dom and Lance. Masama namang tumingin kaniya ang tatlo.

"Sige. Ganyanan na ah? Babawiin ko na regalo kong ticket pa hongkong," ani Lance.

"Sapakan na lang tayo oh!" angil naman ni Song. Naging maingay ang buong paligid dahil sa amin. Natigil lang kami nang mapunta ang tingin namin sa bagong dating.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon