07 : Bestfriend

51.8K 2K 432
                                    

IAN

Halos gugulin ko ang oras ko sa gymnasium. Gusto ko lang ubusin ang oras ko sa paglalaro. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili ko kung bakit hinayaan kong makipag-deal kay Lyn. Sana tinapos ko na ang lahat sa amin. Hindi ko na kayang saktan pa siya.

Gusto kong sapakin ang sarili ko. Gusto kong mag-sorry sa kaniya nang gabing iyon. Gusto kong yakapin siya at punasan ang mga luha niya ngunit mas pinili kong hindi gawin iyon. Pakiramdam ko ay iyon ang mas makakabuti. Ang sumuko na lang siya sa aming dalawa.

Pitong araw lang naman, Ian.

Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga salitang binitawan niya. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng takot. Kaya ko ba talagang mawala siya sa buhay ko?

Ewan ko.

Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay nagsisimula nang tumibok ang puso ko para kay Mildred.

Hindi ko na rin nagawang kausapin ulit si Mildred simula nang gabing iyon. Umalis na kasi siya nang bumalik na ako sa unit. Hindi ko na rin alam kung paano siya haharapin.

Halos dalawang oras na ako dito pero iilan lang ang nagagawa kong ipasok na bola. Karamihan ay sablay. Napahinga ako sa sahig habang hinahabol ang hininga. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang kainin na ng dilim.

_____

"Defense," ani Aivan habang pinapatalbog ang bola. Sinubukan ko namang harangin siya mula sa pag-shoot. Nabigla ako nang bigla siyang tumalon mula sa kinatatayuan niya. Peste! Kahit napakalayo niya sa ring ay alam kong magagawa niyang i-shoot iyon. Sinubukan kong harangin ang bola pero huli na nang maibato niya sa ere.

Shoot.

Hinayaan ko ang sarili kong umupo sa sahig dahil sa pagod. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis. Ramdam ko na rin ang paghahabol ko ng paghinga ko dahil sa pagod. Kanina pa kami naglalaro. All I need to do is to stop him from shooting but still, I lose. I gave him a look when he let himself lied down on the ground. I did the same, looking at the same sky.

Palubog na araw kaya't kita na ang mga bituin.

"Sabihin mo na lang kasi kung sino 'yung babaeng gusto mo!" bulalas ko. Rinig ko ang pagtawa niya.

"You lose, remember?" Yeah, yeah. The game was for him to tell me who's the girl he likes.

"Tsk."

Tumingin ako sa hindi kalayuan nang marinig ang ingay sa hindi kalayuan dahilan para bumangon. Nagtaka ako nang makita si Avalyn kasama ang mga kaibigan niya. Mukhang nag-aasaran sila. Lyn was one my classmate.

Napatingin ako kay Aivan nang makitang nakatingin din siya sa tinitignan ko. He literally stopped for a moment. I smirked after I realized who he was looking at.

"Alam ko na kung sino ang gusto mo!"

"A-Anong sinasabi mo?" he uttered, avoiding my gaze. Namumula na siya.

"Lyn, right?"

"H-Hindi ah!"

"Ooh? Ba't ka namumula?"

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon