ONLY TIME WILL TELL 🌌

981 27 2
                                    


This is a pure fanfic story only. Pag nagkatotoo in real life edi ebribadi happy diba? MayDon Blue Hearts, para lang naman ang story nato sa mga taong nagshiship kay Maymay kay Donato Antonio. Di po lahat dito ay relate sa mga totoong nangyari sa reality ahh. May iibahin po ako, lugar, araw, at mga pangalan. Salamat 💙🌌










©™2020MayDonGodsFavorite

Donato

Nakatanaw lang sa malayo at napapangite habang pinagmamasdan niya ang babaeng mahigit apat na taon ng nakatira sa puso niya. Si Maymay Entrata, naalala pa niya ang unang araw na nakilala niya ang dalaga. May event nun sa Kidzania, isang sikat at advance na palaruan para sa mga bata. Dun niya unang nakilala ang dalaga. Napaka bubbly nito at palaging nakatawa. Palagi nitong nginingitean ang bawat taong makakasalubong nito, pati mga bata ay giliw na giliw dito. Nakikipaglaro sya sa iba. At panay ang tawa nito pati na ng mga bata dahil sa pagkakwela ng dalaga.

FLASHBACK...

Nasa isang sulok lang siya parati dahil di pa sya pamilyar sa iba. Nakaupo lang sya sa isang gilid at pinagmamasdan ang mga bata at si Maymay na naglalaro. Nang mapalingon sakanya ang dalaga bigla at nginitean sya. Nagtawanan pa ito at ang mga batang kalaro bago yung isang batang babae ay lumapit sakanya at pilit hinihila ang kanyang kamay.

Nagtataka man ay sumunod sya sa bata at dinala sya nito sa tabi ni Maymay. Nakangite lang ang mga bata sakanya pati na si Maymay.

"Kuya, makipaglaro ka naman samin" wika nung batang babae na lumapit sakin kanina.

"Oo nga po Kuya, gusto mo po bang maglaro?" Sabi naman nung batang lalake sa tabi ni Maymay.

Napatingin ako kay Maymay, naka ngite lang ito at sinabing,

"Oo nga naman Kuya, makipaglaro ka nalang samin kesa nakaupo ka lang dun at walang magawa." Wika ni Maymay na tinawag pa akong Kuya.

Ganon na ba ako katanda sa paningin niya? Mukha ba akong mas matanda sakanya? Sa pagkaka alala ko ay 19 years old na itong si Maymay. Samantalang 18 naman ako, that makes it na 1 year older ito sakin.

Nakangiwi ko itong nginitean at sumagot nang,

"Kuya?? Who? Me? hahaha, mas matanda ka sakin May ng isang taon. Ako dapat ata ang mag ate sayo." Wika ko dito,

"Ayy talaga ba? Totoo? Bushak! Hala sorry hahahahaha" at ayun na naman ang tawa nitong nakakatawa ring pakinggan.

Nagsitawanan narin ang ibang mga bata habang akuy napapatawa nalang din. Hinawakan bigla ng isa pang bata ang aking kanang kamay at sunod sunod namn na parang nag form ng circle ang mga bata kasama kami ni Maymay. Sa kabilang banda, hinawakan din ako ni Maymay sa kamay, napatingin ako sa kamay ko na hawak hawak nito.

"Okey lang ba? Wag ka mag alala. Wala akung virus hahahaha" pagbibiro nito.
Natigilan ako ng bigla itong tumawa habang nakatingin sakin, kitang kita ko gilagid nito habang tumatawa, di ko tuloy napigilan ang aking sarili at napatawa narin.

"Uy di naman, grabe ka naman sakin May haha" at natawa nalang din ako sa tinuran nito.

Saka nagsimula nang maghilahan ang mga bata at umiikot ikot kaming lahat. Tuwang tuwang ang mga ito. At pati narin si Maymay, natatawa pa nitong binubuhat buhat ang batang lalake na katabi nito habang paikot ikot sila. Ang ganda lang tingnan na magaling pala ito sa bata. Napaka transparent na tao nitong si May. Kaya pala ito nagustohan nila Ella. No filter ang ugali. Parang ang sarap niyang kaibiganin.

PRESENT ...

At simula nga mismo ng araw na iyon. Lahat ng nakasanayan na ni Donny na natural lang sakanya ay nag iba mula ng dumating si Maymay sa akala na niyang kontento na nyang buhay.

NEXT CHAPTER...

O.T.W.T. Only Time Will TellWhere stories live. Discover now