08 : Day Two

53.5K 2K 197
                                    


AVALYN

Noong bata ako ay matagal ko nang pinangarap na maranasan ang mag picnic kasama sina Mama at Papa. Kaso ay hindi namin magawa dahil kailangan kong manatili sa hospital. Tanging makina na lang kasi ang nagsisilbing buhay ko. Kaya nu’ng nagkaroon ako ng donor ay sobrang saya ko dahil sa wakas ay magagawa ko na ang mga bagay na pinangarap ko lang noon. Ang pinagkaibahan lang ay hindi na kasama sina Mama at Papa sa mga pangarap na iyon. Kung kailan ako gumaling ay ‘saka pa sila nawala.

Naging okay naman ang buhay ko. Minahal ako ng mga umampon sa akin nang higit pa sa inaakala ko. Hindi sila nagkulang sa akin ng oras at pagmamahal. Ibinigay nila sa akin ang mga bagay na gusto. Nagkaroon din ako ng maraming kaibigan. Naging masaya ako sa loob ng labing limang taon.

Napatingin ako sa buong tanawin habang nakatayo sa gilid ng rooftop, sa mismong bakud. Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob ko. Kitang-kita ko ang taas mula sa kinatatayuan ko. Kung sakaling mahulog ako dito ay alam kong hindi ko ikamamatay.

Itinaas ko ang magkabilang kamay ko at dinama ang ihip ng hangin na tumatama sa akin. I know I am inside my dream. Matagal na rin nang magsimula akong managinip ng ganito. Parang totoo ang lahat. Kahit alam ko kung gaano kataas ang kinatatayuan ko ay hindi ko magawang matakot. Sa halip ay nakaramdam ako ng saya. This is my first time to stand here. Kita ko ang buong sulok ng campus.

“You’re not trying to jump from there, are you?”

Napatingin ako sa gilid ko nang may magsalita rito. Naibaba ko ang mga kamay ko, gulat na napatingin sa kaniya. For the third time, I saw the guy from yesterday. Suot niya pa rin ang hindi nakabutones niyang uniporme at ang itim niyang t-shirt na ginagawang panloob. Nakaupo sa gilid ko.

“Kahit sa panaginip ko ay nandito ka,” mahinang saad ko. Hindi naman siya kumibo. Nakatingin lang din siya sa buong tanawin. Tumingin naman ako sa baba ng building.

“Kahit naman tumalon ako dito, hindi ko ikamamatay,” dagdag ko na siyang ikinalingon niya sa akin. “Panaginip ko lang ito.”

Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya bago tumayo mula sa pagkakaupo. Ngayon ay nakatayo na siyang nakaharap sa akin.

“Who knows? Baka kapag sinubukan mong tumalon mula dito ay kasabay rin ng pagtigil ng pagtibok ng puso mo sa totoong buhay.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi naman ako natatakot na mamatay. Natatakot ako na iwan ang mga taong mahalaga sa akin nang hindi man lang nagpapaalam.

“Bakit ka nga pala nandito?” pag-iiba ko sa usapan. “Imahenasyon ba kita o multo?”

It took him a minute before he replied.

“Hindi ko rin alam,” sabi niya. “Wala akong maalala.”

Nagtaka akong tumingin sa kaniya. Tumalon ako pababa sa rooftop bago siya tignan mula sa kinatatayuan niya. Ilang araw ko ring iniisip kung gawa lang ba siya ng imahenasyon ko. Parang sa akin lang kasi siya nagpapakita. Sinubukan ko kasi siyang ipagtanong kung may nakakakilala sa kaniya ay walang sino ang nakakaalam kung sino siya.

“Paanong wala kang maalala?”

Kibit-balikat lang ang itinugon niya sa akin.

“Baka isa Guardian Angel kita,” dagdag ko. Rinig ko naman ang marahan niyang pagtawa.

“Pfft. No. I am no Angel.”

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon