10 : Sponsors

49K 1.9K 300
                                    

 
IAN

 
“Mr. Philip Quireno, may isa akong tanong sa iyo?”

Tumango naman siya sa sinabi ng prosecutor. Lahat ay nakatingin sa assailant at sa husgado. Hinihintay ang hustisyang dapat para sa lalaking pumatay sa kapatid ko. Inamin niyang lasing siya noong nabangga niya ang kapatid ko pero sa mukha niya ngayon ay tila hindi niya pinagsisihan ang ginawa niya. Sa katunayan ay parang masaya pa siya sa ginawa niya. Gusto ko siyang sugurin sa kinauupuan niya pero pinipigilan ko ang sarili ko.

“Pinagsisihan mo ba ang krimeng ginawa mo?”

Bumuntong hininga siya bago ngumiti sa buong paligid. Natahimik ang apat na sulok ng silid sa sumunod na tanong. Tumingin ang assailant sa mata ng persecutor at buong pusong sinagot ang tanong niya.

“Hindi.”


MULI NA NAMAN akong nagising sa isang bangungot. Napapadalas na ito. Kung ano-anong masasakit na alaala ang bumbalik sa akin nitong mga nakaraang araw. Parang walang katapusan.

Bumalik ako sa sarili nang tumunog ang cellphone ko. Si Coach, tumatawag.

“Coach? Napatawag ka?” kasuwal kong tanong.

“Nasa school ka?”  tanong niya.

“Wala.”

“Kailan ka papasok?”

“One na ata. Late na akong nagising. Bakit? Wala namang practice ngayon ah?” tanong ko matapos tignan ang oras. 11:00 AM na pala.

“May importante akong sasabihin. Bilisan mo at pumunta ka na dito!” sabi niya.

“Pwede namang dito mo sabihin---” Naibaba ko ang tawag nang marinig ang pagputol niya sa linya. I sighed. What the hell is his problem?

Muli akong napatingin sa phone ko. Still no message from Lyn. Agad akong bumangon para mag-ayos. Nang makalabas ako ng banyo ay napansin ko ang pag-ilaw ng phone ko. Mabilis ko itong tinignan sa pag-aakalang si Lyn na iyon. Bumagsak na lang ang balikat ko nang makitang si Mildred ang nagtext. Hindi ko inabala ang sarili kong tignan iyon. I threw my phone onto the bed. I don't know why I feel frustrated.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis magbago ng mood ko. Masaya pa ako kahapon kasama si Mildred. Yet right after I went home, I started to feel the emptiness. I couldn't feel anything at all. Hindi ko alam kung masaya ako o sadyang pinipilit ko lang maging masaya. Sa halip na alalahanin ko si Lyn ay nagbihis na lang ako.

Bago ako lumabas ng bahay ay binuksan ko ang chat ni Mildred. Magkita daw kami ng 1:00 PM sa harap ng school.
 
MASAYA AKO HABANG binabagtas ang daan papunta sa gymnasium. Kakahatid ko lang kay Mildred sa panghapong klase niya. Inaya niya akong lumabas after school, pumayag naman ako. Napatawad na rin niya ako matapos kong sabihin sa kaniya ang deal namin ni Lyn. Akala ko ay magagalit siya pero sinabi niyang kaya naman niyang maghintay. Manatili muna daw kaming magkaibigan hanggang hindi kami tuluyang naghihiwalay ni Lyn. Kinuwestiyon ko pa siya kung bakit niya ginagawa iyon, inamin naman niya sa akin na gusto niya ako dati pa. Hindi lang siya lumalapit dahil sabi ng mga kaibigan niya ay may girlfriend na ako.
 
Nawala ang saya sa mukha ko nang may bumatok sa akin.
 
“Ang saya mo ata ngayon?” natatawang sabi ni Song. Masama naman akong tumingin sa kaniya.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon