12 : Day Four

49.8K 2K 144
                                    


AVALYN

Kinabukasukasan ay pinayagan kami ng doctor na umalis sa hospital. Sabi kasi ng doctor ay himalang maayos ang pagtibok ng puso ko. Napaka-normal. Hindi ko alam kung dahil ba ito nakita ko si Ronnalyn sa panaginip o dahil malakas lang talaga ang kapit ko kay God at hanggang ngayon ay okay pa ang puso ko.


Pumunta si Papa sa university para ipaalam ang operasyon ko. Hiniling ko sa kaniya na sumama at pumayag naman siya. Noong isang araw kasi ay sinabi sa amin ng doctor na may taong gustong mag-donor sa operasyon ko at himala pang bumisita ang isang sikat na transplant cardiologist sa America. Halos lahat ng inoperahan niya ay naging successful. Hindi ko alam kung bakit ang daming himalang nangyayari sa buhay ko. Pakiramdam ko ay binibigyan ako ng rason para mabuhay.

"Lyn, hindi tayo magtatagal dito. Kakausapin ko lang ang kaibigan ko tapos ay aalis na tayo," paalala ni Papa sa akin.

Mabilis naman akong tumango. "Kakausapin ko lang din po mga kaibigan ko."

"Sige." Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at matamis na ngumiti. Niyakap ko naman siya bilang tugon. Ramdam ko pang napaintad siya dahil sa gulat.

"Pa?"

"O-Oh?"

Hindi ko maiwasang mapingiti nang mapansing nakataas ang magkabila niyang kamay. Siguro ay dahil sa pagkagulat.

"Yakapin mo ako pabalik," mahinang sabi ko. Unti-unti naman siyang kumalma bago ilapat ang palad niya sa ulo ko habang ang isang kamay niya ay sa likod ko. Marahang hinahaplos ito.

"Ang laki mo na pala. Parang nasa hita lang kita noon eh." Ramdam ko ang pagngiti niya pero bakas pa rin sa tono ng boses niya ang lungkot.

"Saan ba ako magmamana? 'E Malaki ka," biro ko. Mahina naman siyang natawa. Natahimik kaming dalawa pagkatapos. Tumagal ang yakapan namin ng dalawang minuto.

"Mahal kita, papa. Kayo ni mama, mahal na mahal ko kayo," naluluhang sabi ko bago tuluyang kumalas sa yakap. Natawa kaming pareho nang makitang pareho kaming naluluha.

"Ano ba iyan, anak? Ang iyakin mo!" natatawang sabi niya.

"Ikaw nga, dating sundalo pero iyakin eh." Malakas naman siyang tumawa.

"Oo na. Sige na. Puntahan mo na ang mga kaibigan mo."

Tumango naman ako. Tumalikod ako sa kaniya at nagsimulang maglakad palayo.

"Lyn."

Bago ako tuluyang makalayo ay tinawag niya ang pangalan ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

"Bakit, pa?"

Ngumiti siya sa akin bago sinabing . . . "Mahal ka din ni papa mo."

Ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyan noong bata pa ako. Noon ay hindi ko masyadong alam kung gaano kahalaga ang mga salitang iyon. Masaya lang ako kapag naririnig iyon. Mas maganda kasing matanggap ang mga salitang iyon kaysa sa isang mamahaling laruan. Ngayon ay napagtanto kong hindi kailanman maikukumpara sa isang mamahaling laruan ang mga salitang iyon. Those words mean the whole world.

Agad ko namang tinungo ang gymnasium. Nagbabakasakaling makita ko sina Hana roon at si Ian. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Nakalimutan ko rin siyang kontakin dahil pinagbawalan akong gumamit ng gadget. Ngayon ay hindi ko alam kung paano siya haharapin. Nagalit kasi siya noong huling pagkikita namin. Baka galit pa rin siya sa akin.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon