18 : The Heartaches

65.9K 2.2K 418
                                    


AVALYN

Dati, minsan ko na ring naisip kung paano ko ilalabas ang sakit na nararamdaman ko. Sa loob ng ilang buwan kasi ay puro pasakit na lang ang ibinibigay ni Ian sa akin. Halos harap-harapan na kasi kung paano niya ako niloloko. Hindi ko naman magawang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko dahil sa kabila nang lahat ay kami ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

Isa rin sa dahilan ay nagiging okay ang puso ko sa tuwing kasama ko siya. He is the cause of my pain, yet he is my peace. Nanatili ako sa tabi niya hindi dahil gusto kong nasasaktan ako kung hindi dahil iyon ang dapat.

"W-Why? Why are you here?" mahinang saad niya nang mapagtanto niyang ako nga ang nasa harap niya. Napakakurap naman ako. Pinilit ko ang sarili ko na hindi magbigay ng reaksyon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig.

"Ian, umuwi ka na. Lasing na lasing ka na," kalmadong saad ko. Akmang hahawakan ko siya nang umatras siya palayo sa akin.

"Layuan mo ako," malamig niyang saad.

"I-Ian..."

"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito? Intensyon mo nang kainin ako ng kunsensya kaya ayaw mo sa akin sabihin, hindi ba?" malamig niyang tanong. Namumula na ang mga mata niya at may ilang luha na lumalabas mula rito.

Galit niyang hinampas ang dibdib niya saka piniga na tila nahihirapang huminga. Hindi ako gumalaw at tanging pagtitig lang ang nagawa ko. Ian is trying to stop himself from crying in front of me right now, but he couldn't.

"Why did you make me feel this thing? I-It's killing me."

Tumingin siya sa langit para pigilan ang mga luha niyang nagbabadya nang lumabas. Ilang saglit pa ay naglakad siya patungo sa akin. Hinawakan ang magkabilang balikat ko. Yumuko siya para itago ang mukha niya. Ngunit kahit itago niya sa akin ay kita ko pa rin ang pagpatak ng mga luha niya.

"B-Bakit hindi mo sa akin sinabing may sakit ka?"

Natigilan ako sa tanong niya. Napaawang ang labi ko pero hindi ko nagawang tumugon sa tanong niya. K-Kung ganu'n ay alam na niya? Pero paano? Napasinghap ako nang biglang kumulog ng malakas kasabay nang pagbagsak ng ulan. Ngayon ay basang-basa na kami. Sumabay pa ang malamig na pag-ihip ng hangin.

Tila tumigil naman ang oras nang ilang sigundo dahil sa tanong niya. Pakiramdam ko ay tumahimik ang buong paligid. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagbalik ng oras sa normal at ang muling pagpatak ng malakas na ulan. Ramdam ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko.

"Bakit, Lyn? B-Bakit niyo ginagawa sa akin ito?!"

Natigilan siya nang tanggalin ko ang kamay niya sa balikat ko at sinampal siya. Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin. Basang-basa na kami ng ulan kaya't hindi na makita kung mga luhang lumalabas sa mga mata namin.

"Bakit ang selfish mo, Ian?" mahinang tanong ko. "Alam mo lang, iyong sakit na nararamdaman mo pero hindi mo alam iyong akin?"

Hindi niya magawang magsalita. Sa unang pagkakataon ay nagawa kong sabihin ang nilalaman ng puso ko. Ilang buwan ko na ring kinimkim. Ngayon ko lang ito nagawang ilabas.

"H-Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan dito, hindi ba?" muling tanong ko. Lumapit ako sa kaniya at mahinang sinuntok ang balikat niya. "G-Gusto kitang hatian sa nararamdaman mo dahil sa kabila ng lahat, kami ang dahilan kung bakit miserable ka ngayon."

Sa kabila ng pagpatak ng malamig na ulan ay ramdam ko pa rin ang init ng luhang lumalabas sa mga mata ko. Muli ko siyang sinuntok sa balikat.

"Ikaw ang nagtulak sa akin—" Tinakpan ko ang bibig ko nang hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. Nagsisimula na ring manikip ang dibdib ko. Suminghap ako ng hangin bago nagpatuloy.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon