Prologue

7.7K 252 188
                                    

(dahil kilala ko ang sarili ko, alam kong madami pang edit-edit na susunod. pero puwede nang tikman. tell me what you think, friends. Thanks!)





EITHER Helga had coitophobia or she had Hypoactive Sexual Desire Disorder - at least, according to Google. The first one is the fear of having sex. The latter, a sexual disorder where a person does not initiate or respond to a partner's sexual advances.

            Napahugot ng malalim na hininga si Helga. Alam niyang hindi siya dapat mag-self-diagnose at lalong hindi niya dapat hanapin sa internet ang sagot sa nararamdamang mga sintomas, pero wala naman siyang ibang pagpipilian.

            She could not go to a Sex Therapist. Kahit nga sa psychiatrist hindi rin siya puwedeng magpakonsulta. If she did, she could be jeopardizing her future. Everything she had worked so hard to achieve in her eight years as Foreign Service Officer would just go to waste. Paano na lang kung isang araw - at hindi malayong mangyari iyon - ay bigla siyang mai-appoint bilang Ambassador? Baka lumabas iyon sa background check sa kanya at bawiin ang appointment niya kung sakali. Hindi dapat magkaroon ng record na nagpakonsulta siya sa Psychiatrist o Psychologist. Lalong-lalo na sa Sex Therapist.

            If the government had access to files like those, she had no idea. She knew there was such a thing as Doctor-Patient Confidentiality, but even that could not give her peace of mind.

             Nakakatakot na ang panahon. Kaya nag-iingat si Helga. Lahat ng kontrata binabasa niyang mabuti. Kapag hindi siya sigurado, nagtatanong talaga siya sa abogado. Maraming buhay ang nasisira dahil sa hindi pag-iingat.  Seemingly harmless documents and deals could ruin lives.

Sa Pilipinas, nakapag-impeach na ng Chief Justice dahil sa hindi kompletong detalye ng SALN. May liver spread na itinuturing nang institusyon at paborito ng mga Pinoy na napatigil ang pagbenta dahil wala daw palang Certificate of Product Registration sa FDA. At oo, mayroon ding malaking TV network ang hindi nabigyan ng prangkisa dahil sa mga rason na hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kay Helga kung ano ang papaniwalaan.

            At kung sakali man na makalusot siya at mai-appoint ng pangulo na Ambasssador ng Pilipinas, halimbawa sa Washington, D.C., paano na lang kung makuha ng CIA ang record niya sa therapist at gamitin laban sa kanya? Paano kung hindi mabigyan ng foreign aid ang Pilipinas dahil ang dapat ay kapita-pitagang ambassador ay may sexual problem?

            Napasimangot si Helga. Alam niyang OA na ang naisip niyang iyon. Kasalanan ng Daddy niya na high school pa lang siya ay pinagbasa na siya ng mga libro ni Robert Ludlum at Tom Clancy. At dapat rin 'ata talaga ay bawas-bawasan na niya ang panonood ng mga American series tungkol sa espionage. It made her more paranoid. Minsan ay naisip niyang magpadala na din sa tukso na magpaka-addict na lang din sa Korean Drama kagaya ng mga kaibigan niya. Nanood siya minsan sa Netflix. Kingdom ang title. She liked the Crown Prince. She could not remember his name, though.

            Muling tumitig si Helga sa screen ng MacBook. Base sa matagal-tagal na niyang pagri-research, ang dalawang sexual disorder daw na mga iyon ay posibleng resulta ng rape o sexual assault.

            Helga sighed. She was the victim of sexual assault four years years ago, in India, on the second year of her first tour of duty.

            Papadilim na noon. She was in Agra on a holiday trip. Naglalakad siya nang bigla na lang may humatak sa kanya.

Napapikit si Helga. Para kasing naamoy na naman niya ang pinaghalong panghi ng ihi ng mga baka sa paligid at ang pawis ng lalaking sumunggab sa kanya.    

            Based on her assailant's accent, she could say that the man was an Indian national. Isinalya siya nito sa pader. Hindi siya makasigaw dahil tinakpan nito ang bibig niya. He ripped her blouse and fondled her breasts. Nararamdaman niyang umaagos na lang ang mga luha niya nang nasa pagitan na ng mga hita niya ang kamay nito. He was about to let go of the first thrust when an American couple accidentally passed by. Tinulungan siya ng mga nito. Tumakbo ang rapist.

The Desperate Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon