first draft... at malakas ang kutob ko na buburahin ko ito. pero habang wala pa akong naisip na mas matino, dito muna siya. hahaha!
enjoy! comments are most welcome.
********
"WE need to lay down some ground rules."
Mula sa tinatanggal na medyas ay nag-angat ng tingin si Keith. Nakatayo si Helga ilang metro ang layo mula sa kanya. She was still in her wedding dress. Nakapamaywang. Nakatingala ito sa kisame na para bang iyon ang kausap nito at hindi siya. Isinuksok ni Keith ang mga medyas sa loob ng sapatos. "Ngayon na?"
Tumingin si Helga sa kanya. "Of course. Dapat nga kasabay ng pre-nup pinag-usapan na rin natin 'to no'n, eh."
Napasimangot si Keith. Habang pinaplano noon ang kasal, kasabay na rin ang naging pagpirma nila ng pre-nuptial agreement. Tumingin siya sa suot na relo. "It's almost two in the morning. Hindi ba puwedeng bukas na lang? Inaantok na ako, eh." Sabi lang naman niya iyon. Sleep was the farthest thing from his mind. Bagong kasal siya. Pero iyon lang ang puwede niyang sabihin na hindi ikakatakot ni Helga. O matatakot ba ito? Baka pa nga batukan siya.
Pero masisisi ba siya ni Helga? Pagkatapos kasi ng pagsayaw nila sa kasal nila kanina, hindi talaga maiwasan ni Keith na umasang may magandang mangyayari sa gabi niya. That he would have a real first night with his gorgeous bride. Ramdam niya iyon sa bilis ng tibok ng puso ni Helga kanina. Sa mahigpit na pagyapos nito sa batok niya.
Not to mention their very first kiss...
Keith would have to admit that he had been imagining that they would be ripping each others clothes the moment they get inside the bridal suite. It did not happen. It was okay with him. Umasa lang naman siya. Pero kalabisan naman na ang gustong gawin ni Helga sa mga sandaling iyon. Ground rules? Sa unang gabi nila bilang mag-asawa, 'yon ang gagawin nila?
"We have to do it now, Keith. Para tomorrow ang effectivity."
"Bukas na lang," wika niya. Ibinagsak niya ang katawan sa kama. Pumikit. "Matulog ka na din." He really was disappointed. Pero hindi niya puwedeng ipakita iyon.
Naramdaman niyang umupo si Helga sa gilid ng kama. "Okay, fine. Pero hindi ka ba muna magbibihis? Nilipat nila kanina dito ang clothes mo kanina."
"Later. Hindi na ako makabangon." Of course that was a lie. He had the energy of a thousand warriors combined. He could still make love to her had she asked him to.
He sighed. Bahagya siyang umiling para matanggal ang agiw sa utak niya. Mukhang napadami talaga ang nainom niya kanina. Hindi dapat ganoon ang iniisip niya. Nasa unang gabi pa lang sila. If he maintained that kind of mindset, he would not be able to go through the next three-hundred sixty-four nights in one piece. He just hoped Helga would fall for him soon. Na hindi nila kakailanganing maghiwalay pagkatapos ng isang taon.
"May na-realize ako," deklara ni Helga.
Nagmulat si Keith. Tumingin siya kay Helga. Nakalugay na ang mahabang buhok nito. "Ano?"
"Na para yata tayong tanga, Keith."
"Saang parte? Sa pagpapakasal?"
Helga chuckled. "Given na 'yon," wika nito. "I'm talking about that honeymoon package."
Napabangon si Keith. "Nanghihinayang ka?"
She shrugged. "Medyo," wika nito.
BINABASA MO ANG
The Desperate Ex-Wife
RomanceWARNING: MATURE CONTENT (R18) Desperate times call for desperate measures. Kaya pagkatapos ng siyam na taon, muling umuwi si Helga sa San Cristobal. She had a purpose. And that was to seek the help of her ex-husband, Mayor Keith Arzadon. Sa tingin n...