Book 1: 4a

1.7K 141 60
                                    




first draft pa din

****

NAALIMPUNGATAN si Helga sa tikatik ng ulan sa bubong. Malakas ang ulan. Kung anong oras na, wala siyang ideya.

Bahagya siyang nagmulat pero agad ding pumikit. Her head was throbbing.

The room was dark but she knew she was still in Keith's place. Sa sandaling pagmulat kasi niya ay nakita niya ang pader na kagabi pa niya tinititigan pero hindi siya makapagdesisyon kung brown ba o orange ba ang kulay ng pintura.

            The room was cold, too.

            Ibinalot niya ang kumot sa katawan pero nilalamig pa din siya. "Keith?" mahinang tawag niya.

            Walang sumagot. 

            Gusto niyang magmulat pero nahihirapan siya. "Keith, malamig," wika niya sa mas malakas na boses. Her mouth felt dry. "Turn off the aircon."

            May narinig si Helga na umungol mula sa kanan. Pinilit niyang ipaling ang ulo niya sa direksyong iyon. Muli siyang nagmulat.

            Keith was a meter away from her. His big frame was sprawled on the king-sized bed.

            Muling pumikit si Helga. Hinila niya ang isang unan at ibinato kay Keith. "I'm freezing, Keith. The aircon. Turn it off."

            "I don't know where the remote is." His voice was sleepy. "Kumot ka na lang."

            For a brief moment, Helga considered getting out of bed to look for the aircon's remote control but decided against it. Nahihilo siya. Antok na antok pa siya. Ni hindi nga siya makamulat, paano siya maghahanap?

            Clutching the sheets, she curled into a ball. Pero ramdam pa rin niya ang nanunuot sa butong lamig. Nangangaligkig na siya sa ginaw.

            She moved a little to the right. Alam niyang mababawasan ang nararamdaman niyang ginaw kapag napalapit siya kay Keith. She knew he wouldn't mind.

            "Move," Keith groaned. "Mainit."

            Napasimangot si Helga. Hindi niya alam kung seryoso si Keith. Pero wala na siyang pakialam sa sinabi nito. Lalo siyang lumapit. She was freezing. Wala na siyang pakialam kung naiinitan ito. Her semi-inebriated mind was telling her that she needed to survive. Tumigil lang siya nang bumangga ang likod niya sa katawan nito.

            Marahil ay nakatulog na din uli si Keith dahil hindi na ito umimik. Helga sighed. The heat that emanated from his body made her smile.

            Itinaas niya ang kamay malapit sa mukha para tingnan ang oras. Wala siyang makita kaya ibinaba na lang niya uli iyon. Uuwi na lang siya paggising niya. Malakas ang ulan. Baka madisgrasya pa sila ni Keith kung ihahatid siya nito sa ganoong sitwasyon. Her parents would understand. Malakas si Keith sa mga ito.

            Kaya hindi na nilabanan ni Helga ang antok. Alam niyang magiging masarap ang tulog niya. The last thing on her mind before she dozed off was Keith's heavenly warmth. Nakakalma ang pakiramdam niya. She felt safe and secure. 

            The following morning though was a different story.

            The first to awaken was Helga's sense of smell. Alam niyang cologne iyon ni Keith. Napangiti siya. It was so mild and yet so manly and sexy and... she froze. Isa lang ang ibig sabihin kung bakit amoy na amoy niya ang cologne ni Keith. Iyon ay ang nakayakap siya dito.

            Nagmulat si Helga at nanlaki ang mata. Her palm was, indeed on Keith's chest, her face was burrowed on his neck. One of her legs was draped on his thigh. And yes, Keith's big hand lay flat on her thigh, just a few inches away from her butt.

            Bago pa siya nakapag-react, nagmulat si Keith.

            At halos kasabay niyon ay bumukas ang pintuan ng casita. Iniluwa niyon ang mommy at daddy ni Keith, kasama ang isang katulong na may hawak na bungkos ng susi.

Nanlalaki ang mga mata ng mga ito.

**********

The Desperate Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon