Book 1: 4b

1.7K 137 71
                                    

first draft

********

"TELL them, Keith! Sabihin mo na wala naman talagang nangyari sa 'tin," wika ni Helga. Humawak pa siya sa hita ni Keith at niyugyog iyon. She could hear the desperation in her voice.

            Hinawakan ni Keith ang kamay niya. Pinisil nito iyon. Tumingin ito sa mga magulang nila. "Totoo po ang sinasabi ni Helga. This may sound really self-serving but nothing really happened between the two of us. Nakatulog lang kami dahil sa kalasingan."

Pero iisa lang ang reaksyon ng mga magulang nila. Nanlalaki ang mga mata. Galit na galit.

"Sa tingin n'yo maniniwala kami?"

"How long have you been doing this? Noong college pa kayo?"

"Nagtiwala kami sa 'yo, Keith!"

"You shut up, Crisostomo! That's not what we saw! Your hands were all over Helga!"

            Napapikit si Helga sa halos sabay-sabay na pagsasalita ng mga magulang nila.

Nang mahimasmasan kasi kanina sa nakitang hitsura nila si Tita Gemma – ang mommy ni Keith ay agad na nitong tinawagan ang mommy ni Helga. At wala pang treinta minuto ay pumasok na sa compound ang convoy ng daddy niya. Apparently, they had been looking for Helga the whole night. Binabaliktad na ang buong probinsya sa paghahanap sa kanya. She had about a hundred missed calls on her phone. Siyempre hindi niya narinig dahil naka-silent ang ringer.

Nobody suspected that she was with Keith. Alam ng mga ito na magkasama sila kagabi pero walang nag-isip na magkasama sila magdamag. Hindi naman kasi nila ginagawa ang ganoon.

Noong tawagan daw ng mga magulang niya ang mga magulang ni Keith kaninang umaga ay sinabi ni Tita Gemma na nasa garahe naman ang ginamit ni Keith na sasakyan. And everybody assumed he was still sleeping inside his room.

Nang tumindi na ang panic ng lahat, kinatok na ng mga ito si Keith sa kuwarto. Of course, he was not there. Dahil naririnig ang bukas na aircon sa casita, naisip na nandoon si Keith.

Hindi nga lang inasahan na magkasama silang dalawa. Na magkayakap.

"Bakit ba ayaw n'yong maniwala?"

"Dahil kayo mismo ang gumawa ng dahilan para mawala ang tiwala namin sa inyo," wika ng daddy ni Helga. Hindi na miminsang nakita ni Helga ang daddy niya na galit na galit. But this was the very time that the wrath of Governor Filomeno Catral was directed to her. She was his princess. He spoiled her rotten. Sa paningin nito ay wala siyang nagagawang mali. Noon.

"Ano ang magandang gawin natin, Kumpadre?" That was Tito Ronaldo – Keith's dad and mayor of San Cristobal.

"Ano pa nga ba, eh, 'di ipakasal na natin sila."

Parang iisang taong napatingin sila ni Keith sa daddy niya.

"Dad!" wika niya.

"Ninong!" wika naman ni Keith.

Pero parang hindi sila narinig ng gobernador. Nakatingin ito sa mayor. "Babae ang anak ko, Kumpadre. Naiintindihan siguro ninyo ako," wika nito.

"Oo, Kumpadre. At anak din ang turing namin kay Helga kaya naiintindihan ka namin," sagot naman ng mayor. "Sana mapatawad n'yo si Keith."

Lahat na yata ng himaymay ng katauhan ni Helga ay nagprotesta. Alam niyang hindi na magsasalita si Keith para depensahan ang sarili. She had to do it for the both of them. Paano nga naman nito sasabihin na hindi siya nito ginalaw nang hindi ito magmumukhang naghuhugas-kamay? That was not something that a gentleman would do. Taliwas iyon sa personalidad ni Keith kung sakali.

Sinulyapan ni Helga si Keith. He looked defeated. She wanted to hug him. This was all her fault. Kung hindi siya nagyayang maglasing... kung pumayag na siyang magpahatid agad, wala sanang problema ngayon.

She took a deep breath. "Wala po kaming ginagawang masama ni Keith. Walang kasalanan ni Keith. Don't do this to him. Dad, Tito Ronaldo, please. Keith, say something." Pinisil niya ang kamay ni Keith. Ikinulong nito ang kamay niya sa dalawang kamay nito. But he did not say anything.

"Please don't do this to us," she begged. 

Tumingin ang daddy niya sa kanya. Wala nang makitang galit sa mukha nito. He was poker-faced. "You know that's now moot and academic, right, Helga? Hindi na 'yan issue. The point is, the two of you were caught red-handed. At kahit sabihin nating totoo ang sinasabi n'yo, na wala ngang nangyari..." Tumingin ito kay Keith. "At granted na maniwala kami, paano tayo nakakasiguro na tatahimik ang lahat ng kasambahay at mga security detail? Paano kung may kumalat na tsismis? Paano 'yon makakaapekto sa 'yo? Babae ka! At paano 'yon makakaapekto sa political career ni Keith?"

Helga racked her brains for something to say. Kapag wala siyang naisip, mapipilitan na talaga silang magpakasal ni Keith. Her dad's hypothetical questions would seal their fate. Pero wala siyang maisip kaya tumingin siya sa mga mommy nila. "Mom, Tita... I don't wanna get married. Ayaw pa din ni Keith. We're only twenty-four. Madami pa kaming pangarap."

Umiling ang mommy niya. "That's exactly the reason why you should just do what we want. Bata pa kayo. Wala pa kayo sa tamang isip para magdesisyon. Your cerebral cortex, that's the decision-making part of your brain, is not fully developed yet. Kaya kami ang magdedesisyon para sa inyo."

Nalaglag ang balikat ni Helga. Her mom used to be a guidance counselor before she married her dad.

"We're doing this to get you the two of you out of this mess. Before it gets blown out of proportion. Before the press gets a whiff of this scandal."

Sa totoo lang, hindi na malinaw kay Helga ang sinasabi ng lahat.

"Kaya ngayon pa lang, pag-uusapan na natin ang kasal," wika ng daddy ni Helga.

Sumang-ayon ang tatlo.

Nagkatinginan sila si Keith.

Despite everything that she was feeling, her heart went out to him. Hindi kasi maitatago ang lungkot sa mga mata ni Keith. His future was at stake. Their future.

Lumunok si Keith. Pumikit. And then he cleared his throat. "You know this would make Helga extremely sad, right?"

Parang iisang taong tumingin kay Keith ang mga magulang nila.

Inaamin ni Helga na hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni Keith. Akala talaga niya ay hindi na ito magsasalita.

Tumayo si Keith. "Of course you don't. At wala nga naman kayong pakialam sa nararamdaman niya. Wala kayong pakialam kung umiyak siya gabi-gabi kasi pinipilit n'yo lang siyang ipakasal sa kin 'kahit wala naman kaming relasyon at hindi naman ako ang gusto niyang pakasalan."

Walang sumagot sa mga magulang nila.

"Do you think that's fair?"

Tumikhim ang daddy ni Helga. "Sinasabi mo ba ngayon na ayaw mong pakasalan si Helga?"

Sa totoo lang, hindi alam ni Helga kung ano ang gusto niyang isagot ni Keith.

Keith saying 'no' would crush her parent's heart. At sigurado siyang sira na din ang relasyon ng mga pamilya nila sa isa't-isa.

Keith saying 'yes' would mean that they would be forced to live together. As husband and wife. A loveless marriage. Sad.

But even to her muddled mind, the latter seemed more appealing than her parents' burning bridges with their bestfriends and greatest political ally.

Helga held her breath.

Tumingin si Keith sa kanya. Bahagyang ngumiti. It was a wistful smile, though. "Kung ano ang gusto mo Helga, doon ako. Because I care a lot about your opinion. I care a lot about you. And apparently, in this room I'm the only one who truly, truly care about your feelings."

Napapikit si Helga. She could feel Keith's dilemma. His sadness.

And yes, she could feel the sincerity of every world he had uttered.

She was definitely lucky to have someone like Keith on her side. Parang lumipad na ang lahat ng takot niya.

The Desperate Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon