Book 1: 8

1.8K 125 81
                                    

dahil sa pagpayag ninyong ituloy natin ang naudlot na alam n'yo na... balik tayo sa original plan.

*******

THE twenty-fourth wedding anniversary Keith and Helga were invited to was just a small gathering for friends. Sina Konsehal Dong at Tita Susan nga lang daw na dalawa ang magkatulong na nagluto ng mga handa. Mga malalapit na kaibigan at ilang kamag-anak lang ang imbitado. Nang matapos ang dinner ay nagsiuwi na rin ang mga bisita. Hanggang sa sila na lang ni Helga, kasama si Konsehal Gary at ang asawa nitong si Tita Alice ang naiwan.

            Nasa porch si Keith at kasama niya ang dalawang konsehal habang kakuwentuhan naman ni Helga sina Tita Susan at Tita Alice sa sala.

            "Ano, buksan pa natin 'tong isa? Linggo naman bukas," wika ni Konsehal Dong. Itinaas nito ang isa pang bote ng scotch. Puno pa ang baso sa mga harapan nila.

            Iwinasiwas ni Konsehal Gary ang kamay nito sabay iling. "Suko na ako, brod," wika nito. "Ubusin na lang natin 'tong isang round."

            "Ikaw, Keith?"

            Umiling din si Keith. "Solved na, ho, ako," wika niya sabay tapik sa tyan. "Magda-drive pa ako, eh."

            "Marunong mag-drive si Helga 'di ba?"

"'Matic lang, ho," wika niya. He was referring to the car engine's automatic transmission. "Wais ang guwardiya-sibil. Manual ang ipinalabas na sasakyan kanina. Para nga naman 'di ako maglasing."

Tumawa ang dalawa. "Mukhang mahihirapan ka talagang isahan 'yang misis mo, Keith," wika ni Konsehal Dong.

Tumawa din si Keith. "Parang ganoon na nga, ho."

"Pero bilib din talaga ako d'yan d'yan kay Helga, Keith. Kahit puwedeng kumuha ng limang driver ipinagda-drive pa rin noon ang sarili."

Ngumiti si Keith. Natutuwa talaga siya kapag napapansin ng ibang tao ang magagandang mga katangian ni Helga. "Ngayon ho, ako na ang driver."

Tumawa ang mga kaharap niya.

Nagtawanan din ang tatlong babae sa sala.

"Ano na naman kaya ang pinagtsitsimisan n'ong tatlo at parang masaya," wika

Napangiti si Keith. Natutuwa talaga siya na nakagaanan ng loob ni Helga ang asawa ng mga pinakamalalapit na kaalyado niya sa sanggunian.

Noong unang isama ni Keith si Keith sa isang pagtitipon ay nag-aalala talaga siya na baka hindi maka-relate si Helga sa mga ito. Alam naman kasi niya na iba talaga ang kinalakihan ni Helga. Not to mention the generation gap. But being the good person and smart woman that she was, Helga was able to blend in quite well. She was groomed to be the perfect politician's daughter... and yes, a politician's wife. Sa huling naisip ay parang pumitlag ang puso ni Keith. His lovely wife.

"Baka tayo ang pinagtatawanan, ah," wika ni Konsehal Dong. "Baka ikinukuwento na nitong si Susana 'yong tungkol sa Viagra ko. Nakakahiya talaga 'yang matandang 'yan."

Naikuwento na iyon minsan ni Konsehal Dong sa kanila. Nakita daw ni Tita Susan sa drawer ang mga asul na tableta at muntik daw nitong palayasin si Konsehal Dong.

"Eh, natatakot lang siguro 'yang si Doktora, brod," wika ni Konsehal Gary. "Gumamit ka na lang muna kasi n'ong ginagamit ko. Baka puwede pa 'yon sa 'yo."

Alam na rin ni Keith kung ano ang ginagamit ni Konsehal Gary at ng ilan nilang mga kasamahan na natatakot sa Viagra. It was a dietary supplement for men that could be bought over-the-counter and claims that it could boost stamina and enhance sexual desire.

The Desperate Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon