Book 1: 5b

1.7K 138 69
                                    




yep. this is the second draft. d ko mapapayagan na ganoon lang ang wedding dance. at na-realize ko kase na yayamanin nga pala sila. dapat live band ang tutugtog. hahahaha

pero mygahd, this song... pagdating sa instrumental part bumibigat ang paa ko sa gas at umo-otsenta ang takbo sa sumulong hway. at pagdating sa chorus, mapapakanta ka talaga.

try nyo.

*****

"THE wedding dance is up next. 'You, guys, ready?" tanong sa kanila ni Keith ng wedding coordinator.

Sa halip na sumagot ay nilingon ni Helga si Keith. "'You ready, Keith?"

Keith snorted. "Ako pa," liyad ang dibdib na wika nito.

Hindi napigilan ni Helga ang mapangiti. Keith looked fine now. Hindi na tulad kanina sa simbahan. Inaamin ni Helga na muntik na siyang mag-back-out nang makita ang luha ni Keith. Nalulungkot siya kapag nalulungkot ito. The funny thing, though, was that the guests thought it was sweet. Ano nga naman ang alam ng mga ito sa mga totoong nangyayari? "Let's give them one more good show, okay?"

Hindi sumagot si Keith. Pinisil lang nito ang kamay niya.

Sinapo ni Helga ang pisngi ni Keith. She realized that was one thing she had been doing a lot lately. Gusto niya kasing iparamdam kay Keith na hindi ito nag-iisa. That everything would be all right.    

"Five minutes, guys," wika ng wedding coordinator.

"A'right." She took a swig at her wine. Ganoon din ang ginawa ni Keith.

Moonriver ang suggestion ng mommy ni Helga na maganda daw na tugtog sa first dance nila ni Keith sa araw ng kasal. Sabi naman ni Tita Gemma, The Way You Look Tonight daw. Hindi rin nagpahuli ang wedding coordinator na nag-suggest ng Grow Old With You.

Lahat ng mga iyon, inayawan ni Helga. Pero sa lahat ng mga suggestion, sa huli talaga siya napangiwi. Hindi alam ng wedding coordinator ang sinasabi nito. She and Keith would not be growing old together. They had a deal. Na pagbibigyan lang nila ang mga magulang nila at pagkatapos ng isang taon ay maghihiwalay na sila. Her dad had a point when he said that they could not afford a scandal. Kung tutuusin, malaking eskandalo din naman kung sakali kapag kumalat na ang balitang hiwalay na sila, pero mas maigi nang tawagin siyang separada kaysa babaeng pakawala.

Siguradong hindi magugustuhan ng mga magulang nila, pero wala nang magagawa ang mga ito kapag nasa malayo na siya. She had a whole year to think of a plan. The Foreign Service exam she had been eyeing would be a perfect solution.

Keith had assured her, too, that he could take care of himself. Kakayanin daw nitong manalong mayor kahit hiwalay sa asawa. Matalino na daw ang mga botante. Na walang mas mahalaga dito kundi ang maging masaya siya.

Kaya hindi puwede ang Grow Old with You na sinasabi ng wedding coordinator.

Eh, ano daw ang gusto niyang kanta? Ngiting-ngiti pa ang mommy niya nang itanong iyon. Halatang-halatang natuwa na sa wakas ay nagkomento na siya sa mga plano. Na mukha na siyang interesado. 

Pero ang kay Helga lang naman ay siya ang sasayaw. Ayaw niyang sumayaw sa tugtog na pili ng iba. That was also the very same reason why she insisted that she had the last say on her wedding dress. Siya ang magsusuot. Wala siyang pakialam sa ibang detalye. Ang dalawang iyon lang ang pinakialaman niya. Totoong napilitan lang silang magpakasal pero gusto naman niya na kahit papaano ay maging espesyal iyon nang kaunti. The groom was very special to her. 

Lumang kanta din ang pinili ni Helga. Pero lumang kanta na gusto niya. Can't Take My Eyes Off You. Mula kasi nang mapanood niya si Heath Ledger na kantahin iyon mahigit sampung taon na ang nakakaraan ay naging paborito na niya iyon. She loved Heath Ledger. She cried when he died.

The Desperate Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon