22 : The Promise

72.9K 2.4K 424
                                    


IAN

It was hard to live a life without any purpose. Parang nakakapagod lagi. Gusto mo lang ay mahiga sa kama at kainin ng kalungkutan. Too lifeless.

Tatlong buwan na simula nang mawala sina Lyn at Aivan. Halos sabay ang naging burol nila.

I want to keep on living like I promised to her. But there's no way I could go back to my old self. Hindi ko magawang hindi tumingin sa nakaraan gaya nang sinabi niya. Masakit pa rin sa puso sa tuwing naaalala ko kahit pangalan man lang niya. Naaalala ko siya sa bawat sulok ng lugar na makikita ko.

I want to dream about her but since the day I woke up from accident, she stopped visiting me in my dream. Iyon na nga siguro ang huling pamamaalam niya. I missed her a lot. A lot.

Napatingin ako sa pintuan nang magbukas ito. It was Mildred.

Bakas ang lungkot sa mga mata niya nang makita ako sa ganitong sitwasyon. Mildred didn't stop visiting after Lyn's funeral. I know she's trying to comfort me but still no use. Hindi niya kayang mapunan ang pangungulila ko.

Wala siyang kibong nagtungo sa akin. Bumalik naman ako sa pagkakahiga.


"Nandito ako para magpaalam," mahinang aniya.

Hindi ako kumibo. Alam kong darating kami sa ganitong punto. Sa totoo lang hinihintay ko siyang siya na ang sumuko sa amin. Alam niyang hindi ko siya kayang mahalin.

"Sana maging okay ka na, please." Pansin ko ang pagpiyok ng boses niya. Bumuntong hininga naman ako at walang ganang bumangon. Napaawang na lamang ang labi ko nang makita siyang umiiyak sa harap ko.


"Hindi lang naman ikaw ang nakukunsensya dito. S-Sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit nagawa kong gustuhin ka kahit alam ko ang relasyon niyo ni Lyn. K-Kung hindi ko lang pinagpilitan ang sarili ko dati. Maaring buhay pa siya ngayon."

Yumuko siya para maitago ang mukha niya. "Kaya sana ay maging okay ka na. Doon lang mapapanatag ang loob ko."

"Bakit?" malamig na tanong ko. "Bakit hindi mo sa akin sinabi noon ang alam mo?"

Nanlaki naman ang mata niya nang tumingin sa akin. Siguro ay nagtatanong kung paano ko nalaman. Hana told me about that. Sinabi niya sa kaniya noong sundan niya si Lyn sa comfort room. Narinig niya ang usapan nila ni Mildred.

Ilang saglit pa ay bumagsak ang mga balikat niya. Hindi makapaniwalang tumingin sa akin.


"Kung sana sinabi mo sa akin matapos mong malaman, hindi sana lalala ang lahat-" Natigilan ako nang sampalin niya ako. Nanginginig ang kamay niyang lumayo sa akin.

"Bakit ang selfish mo?!" galit niyang tanong. "Kasalanan ko lang ay hindi ko sinabi sa iyo ang kalagayan niya pero bakit isinisisi mo sa akin ang lahat? H-Hindi naman ako ang piniling magloko. Hindi ako iyong may commitment sa kaniya. Sinunod ko lang naman ang gusto ng puso ko. Pero ikaw- ikaw iyong may commitment sa kaniya. Kung sana sinabi mo sa una pa lang na siya pa rin ang gusto mo, wala ako sa sitwasyong ito!"


"Ang pagkakamali ko lang ay ang gustuhin ka," muling dagdag niya. Pansin ko ang mga mabibigat niyang paghinga. Alam kong tama siya kaya hindi ako makapagsalita pa.

"You just want to blame someone to make yourself feel better, Ian. Pero hindi ba, ikaw din ang may kasalanan? Pareho tayong may kasalanan dito," dagdag pa niya. Naikuyom ko ang kamao ko. After all this time, I'm still a jerk. What she said was true. I'm finding someone to blame for what happened.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon