PAUBAYA: 5

165 9 0
                                    

Paubaya: chapter 5

•• [ rec : 03 ]

  “Sir, ito na po yung foods"

saglit kong pinause yung video. Hinayaan ko siyang kumain sa harap ko. Kinain ko din yung meryenda na nasa harap ko.

  "I didn't know na nakauwi ka na pala" sambit niya sa akin. Dalawang buwan na simula nung makauwi ako galing Japan.

  "Hindi ka naman na updated sa akin, e." sambit ko, napangiti naman siya at tanging iyon lang ang sagot sa akin.

"nga pala, nasaan yung asawa mo?" tanong ko.

Ibinaba niya naman ang kutsarang hawak niya, "Nasa work, mga 5 pm nandito na 'yon"

"Nga pala, Sef. Ano na nangyari sa'yo? Kinasal ka na ba?" tanong niya sa akin.

Funny how he easily ask me that kind of question. Sobrang nakaalis na siya sa past namin. Good for you, Theo.

Ako kasi hindi pa. Hindi ko pa kayang magmahal ulit, hindi ko pa kayang ibigay lahat ng pagmamahal ko sa iba katulad nung ginawa ko sa'yo noon.

"Mas gusto ko kasi mag-work. Gusto ko munang maglibot around the world bago mag-settle"

"Yan pa rin talaga gusto mo, ha." sambit niya. "Ah by the way, Hindi ko alam kung dapat pa bang iabot sa'yo yung regalong matagal ko nang itinago dito pero ibibigay ko na sa'yo kesa naman ipa-tapon pa." tumayo siya at umakyat sa hagdan. Maya-maya lang ay bumaba na siya at inabot ang isang kahon sa akin.

"sorry masyadong mabigat. Buksan mo nalang pag-uwi mo. I-continue na natin yung interview. Mahirap magpa-gabi dito." sambit niya, napatango naman ako at muling nag-set ng camera.

  •• [ rec ]

"what's your first impression about each other?" tanong ko, hindi ko rin talaga alam bakit ganito ang mga tanungan na ginawa ni Monik, bahala na.

  "She told me about her first impression abt me and she said na I looked like a scary person. Masyado daw akong nakakatakot."

"Anong first impression mo sakanya?" tanong ko

  "na siya yung taong ngingiti pa lang gaganda na yung araw mo. Sobrang jolly niyang tao, nakakahawa yung vibes na hinahatid niya sa mga tao. She's like a ray of sunshine. Ah- no she's a ray of sunshine indeed."

"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana Where stories live. Discover now