Paubaya: 9

141 8 0
                                    

   "Hindi mo sinabi sa akin na wala kang pera! Nagkasakit ka pa tuloy" nakapikit lang ako habang pinapakinggan si Theo, gusto kong umiyak sa harap niya pero pinipigilan ko

Tatlong araw na ang nakalipas mula nung nagkita kami at ngayon lang siya nakabisita sa akin sa bahay pero galit pa ang ibubungad niya sa akin. Do I deserve this?

"Theo, please."

"Hindi ka nakikinig! Hindi kana nakikinig sa akin! Mapapahamak ka pa dahil sa kakulitan mo, e"

Napaupo ako at tumingin sakanya, "So kasalanan ko 'to? sino ba nagsabi sa akin na umuwi mag-isa? ha? Diba dapat ikaw ang maghahatid sa akin?"

"I told you na may pupuntahan ako, diba? Pwede mo naman sabihin sa akin na wala kang pera, bibigyan kita!"

"pero hindi ko 'yon kailangan! Ikaw yung kailangan ko, Theo" sambit ko, tumingin lang ito sa akin at tumayo, tumingin lang siya sa bintana at mukhang nagpapalamig ng ulo

"Alam mo mas masahol ka pa kay Fritzie! Alam mo si Fritzie kahit ganon 'yon, kahit makulit sumusuno-"

"Who the heck is Fritzie?" tanong ko, napatigil siya at napatingin sa akin, "Mas masahol ako? Tangina, e sino ba 'yon?"

"Baby.." lumapit siya sa akin at hinawakan ako, agad kong inalis ang kamay niya sa akin

"Yun ba yung pamangkin ni Miss Samonte ha? Siya 'yon? Anong karapatan mong i-compare ako sakanya?! Mas masahol ako?" tanong ko, sumasakit ang ulo ko. Alam kong mataas ang lagnat ko pero ang grabe pa niya sa part na i-compare ako, mas masahol?!

  "I'm sorry.."

"Theo, ang tagal nating 'di nagkikita! Ilang araw muna ang lilipas bago tayo magkita! Naiintindihan ko naman 'yon pero what the fuck!  'wag mo 'ko ikumpara kay Fritzie! Iba ako sa Fritzie na 'yon, kung mas masahol ako, edi okay! doon kana" napasapo naman siya sa noo niya at muling ginulo ang buhok niya

"Aliyah malaki kana!" sambit nito, tinatawag niya lang akong Aliyah pag galit siya.

"Malaki kana! wag kang kumilos na parang bata ka pa! Umayos ka nga."

"Bakit ako aayos? Sinabihan mo 'kong mas masahol sakanya? Sinong 'di magagalit doon!" sambit ko, tumayo naman ito at napahampas nalang sa pader,

"Rest. You just need rest, I'll talk to you later. May pupuntahan lang ako" sambit nito at naglakad na paalis.

Hindi ako makapagsalita. Naestatwa nalang ako bigla. Sinong mag aakalang aabot sa puntong ganto? pati pag aaway naming 'di tumatagal ng limang segundo noon, biglang magkakaganto ngayon?

Pinilit kong ipikit ang mata ko, naramdaman ko ding tumutulo na ang luha ko. Hindi ako nakapasok ngayon pero mas gusto ko nalang pumasok kesa magmukmok at lalong magkasakit ngayon.

1pm na nang makarating ako sa school, nilalagnat pa rin ako pero pinilit kong pumasok. Ayokong mag-stay sa bahay at umiyak maghapon

Nakasalubong ko pa si Brevin na may iniinom na dutch mill, lumapit ito sakin at tinignan ako, "May sakit ka ba? Ba't namumutla ka?" inilagay niya ang kamay niya sa noo ko at umarte pang parang napaso

"May sakit ka!" sambit nito, agad niyang inubos ang dutch mill niya at ibinato sa basurahan

  "Alis nga" sambit ko, sumabay siya sakin sa paglalakad at kinuha ang bag ko

"Ba't pumasok ka pa?" tanong nito, gusto ko siyang sungitan pero sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko, "Sa clinic ka na muna, baka mahimatay ka pa"

"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana Where stories live. Discover now