PAUBAYA: 7

142 5 0
                                    

Paubaya: chapter 7

  "totoo ba yung balita? nakikita daw si Theo kasama yung pamangkin ni Ma'am Samonte!"

"ay girl bagay naman sila! Artista kaya yung pamangkin ni Ma'am! Umeextra 'yon sa mga commercial! Mahilig pa sumali sa pageants!" sambit naman nung isa pa.

Nasa field ako at naka-earphone. Mga nagpapahinga na ang mga estudyante dahil kakatapos lang nung P.E nila, mukhang hindi rin nila ako napapansin at mukhang alam rin nila na wala akong naririnig kaya ang tindi nila magchismis tungkol kay Theo na ilang araw ko ng hindi nakakasama at nakakausap!

"Sa pagkakaalam ko sobrang saya ni Theo. Who knows baka nga mamaya sila na, e! Grabe naman kasi yung pagiging gentleman ni Theo. Madalas rin sila kumain sa restaurant!"

"Grabe 'yan. Ano na ba balita kay Theo at kay Sef? Sila pa ba?"

"Mukhang hindi na. Ilang araw ko na rin napapansin na wala nang kasama si Sef kapag nagre-recess siya. Busy na rin kasi si Theo. Basketball, pagsama sa pamangkin ni Ma'am Samonte. Tingin mo maisisingit pa ba niya si Sef sa schedules niya?"

"sabagay! Kawawa naman si Sef, mukhang napalitan na."

Napa-tingin nalang ako sa phone ko at tinignan ang conversation namin ni Theo. Magkikita rin kami mamaya kaya 'di ko nalang masyadong pinapansin ang sinasabi ng iba.

  From: My teytey

Where are you, Sef?

  Nasa klase pa 'ko at napatingin sa malaking clock sa wall ng classroom. Bawat galaw ng kamay ng orasan ay sinusundan ko. Gusto ko na makasama si Theo, gusto ko na siya makita ulit. Limang araw na ata kaming 'di nagkikita.

"That's all for today." napatayo ako agad nang marinig iyon, isinakbit ko kaagad ang bag ko at 'di na rin nag ayos ng itsura. Wala na akong pake kung haggard ako dahil sa klase ngayon, I just wanna see Theo.

  "Mahal!" sumigaw ako at tumakbo papalapit sakanya, yumakap pa ako at hinalikan siya sa pisngi. 'Di naalis ang tingin nito sa cellphone niya.

  "Where do you want to eat?" diretsong sabi niya, wala manlang "Hi baby!" na lagi niyang sinasabi tuwing nagkikita kami.

Napili naming kumain sa isang restaurant, yung restaurant na bago na gusto naming puntahan lagi. Nag order na siya at kumain na kami, walang topic, walang kamustahan. Walang THEO na palaging atat sa kwento ko.

  "Love, how are you?" tanong ko, ibinaba niya ang cellphone niya at ngumiti sakin. Sa wakas, nakuha ko rin ang atensyon niya

  "I'm fine, Sef. Kamusta naman pag aaral? Ayos ka lang ba?"

"Bakit Sef lang? Hindi mo na ba ko baby?" tanong ko, pinipilit na pagaanin ang atmosphere na sobrang lamig, kulang nalang magbagsakan ang yelo.

 
"B-Baby" ngumiti siya. May napapansin akong kakaiba pero ayokong masyadong mag-isip dahil sa huli alam kong masasaktan lang ako

   "Sef, kaya mo naman umuwi mag-isa diba?" kakatapos lang namin kumain, nakatayo lang kami sa labas ng restaurant, nakatingin din ako sa kotse nito na naka-park lang din sa labas.

  "Uwi? mag-isa?"

"Love, may kailangan kasi akong puntahan. Importante lang. Pag hinatid pa kita sa kabilang daan, male-late ako" sambit nito, lumapit naman siya sakin at niyakap ako, "I love you."

  "I love you too." bulong ko, ngumiti siya at lumakad na pasakay ng kotse niya. Mabilis itong nagmaneho paalis doon, Naramdaman ko namang may pumatak. ULAN, unti-unting nagbagsakan ang patak ng ulan sa akin.  Kinapa ko naman ang bulsa ko at naalalang iniwan ko ang wallet ko sa locker ko. No choice, maglalakad ako at uuwing basa.

Napilitan akong maglakad habang lutang ang utak, nag ooverthink nanaman ako na dapat ay hindi ko ginagawa,


"Ali!" may narinig naman akong tumawag ng ganon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"ALI!!!" sino ba ang tumatawag na 'yon?! ewan ko ba, gusto ko nalang makauwi agad

Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin at nagulat nang makita si Brevin, naka-black na hoodie ito at wala ring payong, tinap niya ang balikat ko at nginitian ako

"Tingin mo maganda 'yang ginagawa mo?" tanong nito, tinitigan ko naman siya at napa-buntong hininga

"Hindi ka dapat naliligo sa ulan," nagulat ako nang tanggalin niya ang hoodie niya at ipatong 'yon sa balikat ko pero agad ko itong inalis at binalik sakanya, "basa 'yan bakit ibibigay mo pa sakin"

  "Tss! Arte" bulong nito, narinig ko naman. Nagpatuloy na 'ko sa paglalakad at napansin na sinasabayan lang ako nito halos hanggang sa makarating kami sa village namin.

"Ano ba 'yon? Ba't ka ba sumusunod?" tanong ko, ngumiti lang ito sa akin at ginulo ang buhok ko

"Gusto ko lang sabayan ka, Ba't bawal ba?" sambit nito, inirapan ko naman siya at tinalikuran

"tsk! Arte mo! alis na 'ko, bye!" lumingon naman ako sakanya at nakitang nagtatakbo siya, napatigil pa ito sa pagtakbo nang may mahulog na bagay sa bulsa ng hoodie niya,

susi?

  Napa-kunot naman ang noo ko at lumakad nalang.

"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana Where stories live. Discover now