Paubaya: 11

138 8 0
                                    


  Nasa school na 'ko at dala ang mga gamit ko. Tatlong gabi raw kami sa beach resort. Hinihintay ko nalang din si Brev, dahil mukhang siya lang naman ang makakausap ko ngayong araw.

  Ang tagal niya naman!

Dumating na ang teacher na mag aassist samin at pinapila na kami para sumakay sa service. Wala pa ring anino ni Brev ang nagpakita sa akin! Nakakainis! Gusto ko siyang sikmuraan! Siya lang ang makakausap ko ngayon dahil wala naman akong kaibigan bukod sakanya na medyo tinuturing ko ng kaibigan.


"Woah! Si Theo!" nagkagulo sa bus namin nang may sumigaw non, nakaturo sila sa kabilang bus. Natanaw ko tuloy si Theo na nakashades pa habang mukhang natutulog sa bus.

"Look! Yan na yung bruhildang si Fritzie! Gosh sasama 'yan?!" napatingin naman ako sa kakababa lang sa kotse na si Fritzie, agad itong sumakay sa bus kung nasaan si Theo.

break na ba kami ni Theo? hanggang ngayon napapaisip pa rin ako!


  Umandar na yung bus namin kaya nagsoundtrip nalang ako, nakakabored dahil wala akong kausap manlang! lahat sila may katabi, samantalang ako bag ko lang ang tanging katabi ko! nakakainis talaga huhu.


"Okay class! We're not here to get stressed okay? We're here to relax and enjoy! So enjoy yourself here and have fun with your classmates!" sigaw nung teacher, okay have fun! Paano ko magha-have fun?! ang hirap pag walang kaibigan, ha!


Nagkaingay na lahat at nagsipaglangoy ang iba, yung iba naman nagpunta sa room na para sakanila. As usual, mag isa lang ako sa kwarto dahil wala namang gustong sumama sa akin,

"May room pa ba sa batch mo?" narinig ko namang nagtanong ang isang teacher sa teacher ko, nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan nung sinabi niya.

"Walang room si Fritzie, okay lang ba kung itabi nalang natin siya sa isa sa estudyante mo? Hindi naman maarte ang isang 'yon." sambit nung teacher.

"Oo naman wait, Ah Aliyah! Halika muna dito sandali!" ito na nga ba ang sinasabi ko! lumapit naman ako sa kanila, agad na ngumiti si Ma'am sakin

"Pwede bang magshare nalang kayo ni Fritzie sa room? She's nice naman, e."

"s-sige po" sambit ko, anak ng tokwa naman. sa lahat ng itatabi bakit yung babaeng 'yon pa?!

Pumasok na 'ko sa room ko at inilapag ang gamit ko, humiga ako saglit at tinitigan ang bawat sulok ng kwarto, bakit ba 'ko sumama dito?!

"hi." napansin kong pumasok na sa kwarto si Fritzie at nakangiti pa ito ng bongga sakin, maiksi ang buhok nito at medyo light ang make up niya, sobrang ganda niya.

  Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ito hanggang mailagay ang gamit niya sa gilid.

"Sabihan mo 'ko pag may kailangan ka ha, I have everything in my bag! Kung gutom ka or-"

"May pagkain ako," sambit ko. Napangiti naman ito at tumango. Inilapag niya ang cellphone niya at nakailaw pa, nagkaroon tuloy ako nung chance na masilip ang wallpaper niya.

si Theo at siya ang nasa wallpaper. Si Theo ang may hawak ng camera.

  "A-Ano mo yung nasa wallpaper mo?" tanong ko, ngumiti naman siya at napatingin sa wallpaper niya.

"Ah, He's Theo. Crush ko siya. He's my ideal man" direktang sabi niya, napangiti naman ako ng peke at napabuntong hininga.

"Ah parang kayo, e." sambit ko

"Hindi, I like him a lot pero tutor ko lang din siya. Pero kung mabibigyan ng chance na mapakasalan siya, why not" patawa-tawang sabi niya. Kinuha ko naman ang cellphone ko at pinalitan nalang ang wallpaper ko, kami ni Theo ang nasa wallpaper ko at kaparehas pa nung kulay ng damit ni Theo sa wallpaper ko ang suot ni Theo sa wallpaper niya. funny.


"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana Where stories live. Discover now