Paubaya: End

249 17 6
                                    

5 months later.

"Lagot ka nanaman, late ka nanaman."

"Sorry, pinakinggan ko pa kasi yung kanta ni Moira Dela torre, yung paubaya ba 'yon."

"Wag ka na maingay,"

Pina-ikot ko ang swivel chair ko at nilingon kung sino man ang nag uusap usap ngayon,

"Ma'am, I'm sorry po." sambit nung isa sa kin, lumapit naman ako sakanya at tinapik siya, "okay lang 'yan. Lagi din akong late dati" natatawang sabi ko, nakahinga naman ito ng maluwag at napangiti.

Pinabalik ko na sila sa pwesto nila at isinend sa gmail ang mga gagawin nila, dumiretso naman ako sa office ni Brevin,

"Hi wifey!" sambit nito, napangiti naman ako at lumapit sa kanya, binigyan din siya ng halik sa pisngi

"Let's date. Nami-miss ko ng kumain sa restaurant." aya ko, inayos naman niya ang necktie niya at hinalikan ako at tsaka hinatak ako paalis.

Narating agad namin ang restaurant na kakainan namin at nakita ko pa sa 'di kalayuan ang pamilyar na mukha, si Theo at Fritzie. pero wala ng kahit na ano sa dibdib ko, puno na ng saya ang dibdib ko, lahat ng saya na 'yon dahil sa iisang tao, yun ay ang asawa ko

"Uy si ex" pang aasar niya sakin, binigyan ko naman siya ng isang simangot na mukha pero hinalikan niya lang ako sa pisngi, nakakatawa pa dahil naupo pa kami sa 'di kalayuan sa pwesto nila Theo

"Focus on me, ha. Baka mamaya nagdudugdug nanaman 'yang heart mo sa kanya" sabi ni Brev, natawa naman ako.

"Asawa ba kita?" tanong ko.

"Oo!" pagmamaktol niya, nakaisip naman tuloy ako ng magandang idea. Gugulatin ko siya ngayon sa balitang ibibigay ko sakanya, kaya ko siya inayang kumain ngayon, e. Dahil lumabas na ang test sa akin.

"Brev, bigyan mo nga 'ko nung magandang pangalan ng lalaki at babae."

"For what?" tanong nito

"Give me some name lang. Suggest ka" sambit ko.

"Carlito at Lucresia." sambit nito, nanlaki tuloy ang mata ko, "HAHAHAHAHA ang cute"

"okay. Walang bawian."

Napakunot naman ang noo niya at nagpatuloy sa pagkain. Nagphone naman ako saglit at nagsend ng picture sakanya. "Love look at your phone, may sinend akong picture sa'yo"

Tumingin naman siya sa phone niya at inexamine ang picture ko, "teka-.."

"Bakit? Bakit anong meron sa pic?" tanong nito, wala pa ring alam. Itinuro ko naman ang dalawang sticker ng babae at lalaki sa picture ko

"Ang cute nung stickers."

"BREVIN!" sigaw ko, nagulat naman siya at napatingin sa akin, "Bakit?"

"Love. Buntis ako! Twins! Kaya may dalawang stickers diyan nung babae at lalaki!" sambit ko, napatayo ito at napatakip sa bibig niya.

"S-Seryoso b-ba?"

"Tingin mo nagjo-joke ako?" tanong ko. Hindi siya makapaniwala, Tumayo naman ito at lumapit sa akin, yumakap din siya at nagsisigaw. Gumagawa ng ingay sa buong restaurant.

"Guys!!!! Tatay na 'ko, what the fuck!" sigaw niya, nagtawanan naman ang lahat ng nakakita.

"Kalma" natatawng sabi ko, "Anong kalma? Love, seryoso ba? Hindi ako makapaniwala!" sambit niya, napangiti naman ako at hinawakan siya sa kamay.

"We're a family now, love. Hihintayin nalang natin ang paglabas ng dalawang 'to " sambit ko, ngumiti naman siya at itinapat ang tenga niya sa tiyan ko, "Hi babies, I'm your daddy. Daddy Brevin. Promise na I'll do everything para mabili lahat ng needs ni Mommy and ang mga needs niyo, thank you. thank you sa advance birthday gift, my love. You're the best."

Ngumiti naman ako at tinitigan si Brev, hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. Ito na yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

At... ang dalawang 'to ang magiging saksi kung paano ko nahanap ang taong para sa akin. Nag-paubaya ako para makita nung taong 'yon ang para sakanya at para makita ko din kung ano ang mas best para sa akin.

Hindi man naging kami nung taong kasama ko mag grow, hindi man kami ni Theo ang nagkatuluyan tulad nung pangako namin sa isa't isa, naging maganda naman ang nangyari. I've met Brevin - whose the one na makakasama ko sa pagtanda. I couldn't ask for more. Satisfied na 'ko sa lahat.

"Sef, c-congrats." nasa labas ako nung restaurant at hinihintay na bumalik si Brevin dahil kinuha niya pa ang car namin sa parking lot, si Theo ang nasa harap ko ngayon hbang kasama ang wife niya na nakahawak sa tiyan nito

"Thank you, Theo." sambit ko, nagpaalam na sila sa akin at naglakad paalis.

May mga taong hindi nakakalet go sa past. May mga taong pinipilit kumapit sa mga bagay na hindi naman dapat nangyayari sa kanila. I choose to paubaya kasi yun yung dapat, kahit masakit.

Nagpaubaya ka kasi mahal mo yung tao, nagpaubaya ka para mas makita mo yung taong para sa'yo. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong kumapit. Kailangan mo rin mag-let go at hayaan siyang mapunta sa kung saan siya sasaya

Habang nakatingin ako kay Theo na naglalakad kasama si Fritzie, hindi mawala sa isip ko ang bagay na nagawa ko. I made the right choice.

Theo and I's both happy in our lives.

Wala na 'kong mahihiling pa

Kundi maging masaya kasama si Brevin Geiz Pangilinan at ganoon din siya.. kasama ang asawa niya.

➖➖➖➖

Jhia:

Hello! ^__^ sa lahat ng magbabasa nito, sa lahat ng nakaabot sa dulo or nakatapos.

Tinatamad lang aq kaya nasulat q 'to pero sobrang daming typographical errors and grammatical errors sa mga gawa ko (d nyo b pnsin?) HAHAHAHAHA anw thank uuuu.

sa lahat ng nag-paubaya, u guys r the bravest one. Sana mahanap niyo na ang taong para sainyo kasi u deserve all the love & happiness in this world! ily'all! ^__^

"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon