Paubaya: 10

142 6 0
                                    

  Naglalakad lang ako sa campus habang nakatingin sa paligid. Simula nung nanghingi ng space si Theo, never ko na siya nakita sa school. Hindi ko alam kung iniiwasan niya lang na magkasalubong kami o pinagtataguan niya 'ko. Nakikita ko yung mga kaibigan niya pero siya hindi ko talaga nakikita.

   Akala ko nga break na kami, space lang naman ang hiningi niya pero tinanggal niya sa mga social media accounts niya yung mga pictures ko.

   "Mag isa ka yata" nagulat ako nang may marinig na nagsalita sa likod ko, as usual si Brevin Geiz Pangilinan nanaman, hindi talaga magtitigil ang isang 'to

  Iniabot niya naman sa kamay ko ang isang dutch mill, magsasalita pa lang sana ako pero bigla na siyang nagtatakbo paalis.

 
  Naupo ako sa field habang nakatulala. Nakaka-miss kapag tumatambay kami ni Theo rito pero malabo na ulit mangyari 'yon, hindi ko alam anong rason, anong dahilan bakit nagbago, bakit nawalan ng gana? bakit lumamig.

  "Excuse, pwede ka bang makausap?" napalingon ako sa nagsalita at nakita ang isang lalaki na ngayon ko lang nakita, nakauniform din siya at mukhang taga dito pero 'di ako familiar sa itsura

  "About saan?" tanong ko

  "Ikaw yung girlfriend ni Theo, diba?" tanong niya, girlfriend pa nga ba ako? oo sa tingin ko

  "Oo, bakit?"

  "Ah wala! Mukhang ayos pa naman kayo 'no? Sana ayos lang kayo." sambit nito, napatingin naman ako sa id niya at nakita ang picture niya kasama ang isang babae na sobrang ganda.


  Kung titignan, gwapo naman siya. Moreno at medyo matangkad ng konti, may nunal sa gilid ng mata.

  "Ayos lang naman," sagot ko.

"Kami hindi na ayos, e." sambit niya, napakunot naman ang noo ko, "Nino?"

  "Fritzie." magsasalita pa sana ako pero ngumiti nalang ito at naglakad na paalis, gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari pero nawala na ito sa paningin ko nang may dumaan na maraming estudyanteng papunta sa field

Hindi na sila okay ni Fritzie, hindi na rin kami okay ni Theo.


Hapon na kaya naglalakad na 'ko, napatigil ako sa nagkukumpulang mga estudyante at nakitang may poster na nakalagay sa bulletin board.

"seriously? may acquaintance?"

  "ang weird! beach party!"

  "So pupunta tayong beach niyan?"

  "Malamang Hera, saan mo balak pumunta? beach nga diba! duh!"


  Nawalan ako ng gana sumama! Napilitan nalang ako umuwi ng bahay at muling ibagsak ang katawan ko sa kama, wala akong gana sa lahat.

  Napatayo naman ako nang marinig ang doorbell, nagtatakbo pa 'ko at nakita ang isang delivery boy, may inabot itong plastic sa akin

"Ma'am pa-receive nalang"

"Wait, galing po kanino?" tanong ko

"From Brey-- ano raw? hindi ko po mabasa  e." sambit nito.

"sige kuya ako nalang po bahala" sambit ko at napakunot nalang ang noo ko, pumirma nalang tuloy ako at tinignan ang laman non, isang bucket meal mula sa jollibee, pizza sa yellow cab, sundae at fries ng mcdo at meron sa mang inasal, bonchon, tgif at sa greenwich.

Tinitigan ko naman ang notes at nabasa ang isang sulat na sinulat pa sa brown na vintage paper

  To: Ü

"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana Where stories live. Discover now