PAUBAYA: 6

159 4 0
                                    

Paubaya: Chapter 6

  “What do you want to do today?" tanong ni Theo sa akin, naglalakad lang kami ngayon. Intramurals.

 
May intramurals pa rin pala sa college. Maraming estudyante ang pagala gala, may mga booth kasing itinayo at may pa-ferris wheel pa sila at ibang rides.

  "Gusto ko lang na tapusin yung araw kasama ka. Gusto ko rin sumakay ng ferris wheel!" sambit ko, tumuro pa 'ko sa ferris wheel at saka tumingin sakanya.

"your wish is my command, Madame. We will going to ride that one!"

"Fear of heights is waving at you, Mr. Theo." sambit ko, natawa naman siya at inayos ang buhok ko na nagulo ng hangin.

  "Theo! Theo!" napatigil kami sa paglalakad at napatingin sa nagtatawag sa kanya.

"Cris, bakit?" tanong niya. Lumapit yung Cris sa amin at may ibinulong sa kanya.

"Gago! Kasama ko girlfriend ko, maya nalang."

"Tanga mo! Pinapatawag ka nga ni Ma'am Samonte! Math genius ka kasi kaya ikaw ang binibigyan ng offer!" sambit nito.

"Maya pre. Seryoso, sabihin mo kay Ma'am papakainin ko lang girlfriend ko, gutom na e."

"ge tanga! dalian mo"

Napa-kunot naman ang noo ko, "Ano 'yon?"

"Si Ma'am Samonte, tanda mo? Yung teacher na laging tumutulong sa akin kapag nale-late ako sa submission ng mga projects tuwing may laban ako sa basketball?"

"yung favorite teacher mo?" tanong ko

"yes! may offer kasi siya" sambit nito sa akin, naglakad na kami papasok ng canteen. as usual marami nanaman ang nakatingin sa kanya. Ang gwapo niya kasi sa kulay mustard nitong department shirt.

Pinaupo niya naman ako sa isang upuan at nag-order na siya. Pagkatapos non ay naupo sa harap ko at pinagbuksan pa 'ko nung sandwich at C2 na binili niya.

"Anong offer?" tanong ko

"She want me to help her niece sa subject na accounting, baby. Kapalit naman non may bayad, e. Parang part-time job ko na rin"

"Paano yung practice mo? Mahahati yung oras mo"

"Thurs-sunday naman practice ko,  Monday to tuesday lang naman nagpapaturo tapos mga 9pm." sambit niya, kumagat naman ako sa sandwich at tinitigan siya.

"Gusto mo bang i-accept yung offer?"

"ofcourse, baby. Makakaipon ako at may pang date na tayo! May pambili narin ako nung mga bagay na kailangan mo! especially mga products na need mo sa maganda mong face." sambit niya, natawa naman ako at uminom ng C2

I'm scared. Paano kung mawalan siya ng oras sakin? Kaya ko kaya? Palagi kaming magkasama kaya malamang malaki ang magiging adjustment nito.

"Theo, ano na gago!" napatayo si Theo nang makita si Cris sa labas nung canteen. Tumingin si Theo sakin at nag aalangan pa.

"Sige na. Update mo nalang ako." sambit ko, hinawakan niya naman ang ulo ko.

"Sasakay tayo ng ferris wheel, okay? Hintayin mo 'ko" ngumiti naman ako at pinanood na siyang umalis.

  Hapon na. Wala akong ginawa mula kanina. nakaupo lang ako sa bench malapit sa ferris wheel. Wala pa rin si Theo hanggang ngayon

  To: My teytey

  Love? nasaan ka na?

sent.

Napatingin ako sa umiikot na ferris wheel ngayon. Sana lang ay makasakay kami ni Theo.

"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon