Paubaya: 14

156 12 0
                                    

  "Late ka nanaman" bulong ni Ash sa akin, inayos ko ang sarili ko at unti unting naupo sa pwesto ko, nakita ko pa kung paano umikot ang swivel chair at magtama ang paningin namin ni Brevin.

  Pinaningkitan niya lang ako ng mata kaya agad kong iniwas ang tingin ko, mukhang hindi niya na ako kilala! Nagbago ba talaga ang itsura ko?

  "Sef, congrats!" nagulat ako nang lumapit sa akin si Monik, nagtatalon ito sa tuwa. Mukhang hindi pa niya napapansin na nakatitig samin si Brevin ngayon

  "B-Bakit?" tanong ko

  "Okay yung documentary natin! successful!" sabi nito sa akin, napatingin naman ako sakanya at napangiti ng slight, "M-Monik nakatingin siya satin"

  "Nako! Okay lang 'yan, ang bait kaya niyan!" sambit niya sakin, napakunot naman ang noo ko

  Napansin kong tumayo si Brevin at lumakad papalapit sa akin, may iniabot siyang maraming papel sa table ko at itinuro 'yon, "Tapusin mo 'yan ngayon at ihatid mo lahat ng 'yan sa kotse ko"

Mabait? Who?

Napakagat ng labi si Monik habang nakatingin sa akin, "omg bakit ganon! kanina lang napakabait niya! Yung totoo, magkaaway ba kayo ni CEO dati?"

  Tss! May gusto kaya sakin 'yan before :3


  "Wag ka magugulat ha, gusto ako niyan dati " bulong ko, naramdaman ko namang napatigil sa paglalakad si Brevin at lumingon pa samin, mukhang may gusto siyang sabihin pero napatikom nalang din ang bibig nito.

  "Ms. Andrade I need that papers agad- agad." sambit nito sa akin. Napatango naman ako at umupo na rin si Monik sa pwesto niya. Ang daming papel sa lamesa ko, inisa- isa ko naman ang bawat papel at napakunot noo nalang.

Paubaya?

May mga paubaya sa papel.

Yung totoo pinagti-tripan ba 'ko ni Brevin?!

  "Teka tapos ka na?" tanong ni Monik, hindi ko na siya pinakinggan at nagtatakbo papunta ng parking lot, naabutan ko pa si Brevin na pasakay na sa kotse niya, agad akong nagmadali at kinatok siya.

  "Are you done?"

  "Hoy Brevin - este Mr. CEO, anong gusto mong gawin ko sa mga papel na 'to. anong paubaya paubaya ka dyan" sambit ko, lumingon naman ito sa akin at itinuro ang kotse niya.

"Sakay"

"huh?'

"sakay!" sambit nito, kahit naguguluhan ay napilitan nalang din ako sumakay. Ilang minuto lang kami nagbyahe pero nakita ko na agad na nandito na kami sa bench kung saan kami nag usap na dalawa noon. Walang nagbago sa lugar na 'to, bukod sa mas dumami ang mga bahay.


  "Akala ko 'di mo na 'ko naaalala" sambit ko, tumayo naman si Brev at may kinuha mula sa kotse niya, inabot niya naman sakin ang bagay na kinuha niya at nakita nalang na dutch mill pala ang bagay na 'yon.

"Seryoso, may factory ba kayo ng dutch mill?" tanong ko, natawa naman siya ng bahagya.

  "Sira."

  "By the way, Kumusta kana ba?" tanong ko. Binuksan niya naman ang dutch mill ko kaya humigop na 'ko

"Kamusta na nga ba 'ko? malamang ayos lang." natatawang sabi niya, totoo nga naman! sino mag aakalang magiging successful ang isang 'to. hayy lodicakes


  Napatingin naman ako sa kamay niya nang may iabot itong papel sa akin, agad kong binukat ang papel at nakita ang nakasulat don

  i'm s0 qLaD tH4T i'vE fOunD y0U..!=)
- y0urBr@vE$tlH0d1c4Ke$

  Familiar ang gantong sulat ah.

teka.

"Ikaw si bravest lodicakes? Yung nagpadala sa akin ng maraming pagkain noon?" tanong ko, natawa naman siya at napatango

"tangina!!!" galit na sabi ko, nanlaki naman ang mata nito, "teka, nagcursed ka sakin?! bakit?!"

"Excuse me, Mr. CEO ha. Nagpapasalamat ako kasi binigyan mo 'ko nung maraming pagkain pero gustong gusto kitang murahin! sakit kaya sa ulo niyang sulat mo!" sambit ko, pinitik naman niya ang noo ko

"Alam ko kasi na simpleng bagay na kagaya niyan mapapasaya ka. Ang dami ko kayang bagay na ginawa para sa'yo!"

"At anong mga bagay 'yon aber?" tanong ko

  "Naalala mo nung naglakad ka sa ulanan?! Naka-kotse ako that time pero bumaba ako sa kotse ko para magpakabasa din sa ulan kagaya mo! Gusto kitang ihatid sainyo no'n!"

"e may kotse ka pala, ba't hinayaan mo pa 'kong maligo ng ulan!" pagrarant ko

"Mas enjoy kasi maglakad habang umuulan, kahit sobrang sinungitan mo 'ko that time." naalala ko nanaman yung time na 'yon, hindi ako hinatid ni Theo kaya naglakad ako sa ulanan, naalala ko din na nahulog sa bulsa niya ang susi, kaya pala. Naka-kotse pala ang animal na 'to pero mas naisipan pang sabayan akong maglakad sa ulanan.

  "Thank you, Brevin." sambit ko, ginulo niya naman ang buhok ko. "Pero nung acquaintance, bakit after non nawala ka din?" tanong ko

"Late ako nung dating that time kasi nakikipag away pa 'ko sa mom ko, flight ko nung oras na 'yon. Sa ibang bansa na kami titira, nagpumilit akong humabol sa inyo para lang makita kung okay ka lang ba. Nung time na umiiyak ka sa akin, wala na 'kong naisip nung panahon na 'yon kundi ang sinasabi ko sa'yo na paubaya."

"Paubaya?"

"Katulad mo nagpaubaya din ako." sambit niya, napakunot naman ang noo ko, "akala ko magiging ayos kayo, kaya ganoon din ang ginawa ko. Pinili kong sumama sa family ko at 'di na magpakita pa sa'yo.. pero mukhang mali ang naging desisyon ko"

"Tama naman, ah! Naging CEO ka kaya."

"pero hindi ka naman naging sakin,"


"pero hindi ka naman naging sakin"

  "pero hindi ka naman naging sakin"

  "pero hindi ka naman naging sakin"


   "nakakatawa lagi tayong nagpapaubaya, Kailan kaya tayo sasaya?" tanong ko, ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko

  "Masaya na 'ko ngayon."

  "Bakit?" tanong ko

  "Kasi kasama ko na yung taong gusto kong makasama habang buhay."

  Buti pa siya, masaya na.

Hinihintay ko rin yung time na magkita kami ni Brevin, siya yung sayang sa lahat ng chances na napunta sa akin. Siya yung laging nandyan para ilift up ako, siya yung nandyan para maging kaibigan ko. That's why I'm so grateful to have him in my life..

  "Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong niya.

  "Wala lang, masaya kana e."

  "Hindi mo naman tinatanong kung sino,"

  "kailangan pa bang malaman?" tanong ko, natawa naman siya at pabiro akong niyakap.

  "I know may sugat pa rin sa puso mo hanggang ngayon, ayokong madaliin ka.. pero ikaw lang ang hinihintay ko, Ali. Ikaw, laging ikaw..

..... sa lahat ng pagpapaubaya, ikaw yung taong hinding hindi ko na bibitawan pa, hinding hindi na 'ko magpapaubaya ulit, binalikan kita kasi mahal kita, Ali hindi ko kayang pantayan si Theo sa puso mo, pero andito ako para ipakita sa'yo na kaya kong maging ako, hindi ko kailangang pantayan ang iba. Ipapakita ko sa'yo kung gaano kita ka-mahal, walang pag aalinlangan."

Natahimik ako, muling bumuhos ang luha sa mga mata ko. Tanging yakap lang ang naisagot ko sa kanya. Yakap lang dahil sa mundong puno ng pagpapaubaya, si Brevin ang naging taong sandalan ko, si Brevin ang nanatili at mananatili.

"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang