Paubaya: 13

151 8 0
                                    


Lumilipad nalang ata ang utak ko, araw ko ba ngayon? Ngayon ko nakita si Theo na ilang taon ko ng 'di nakikita at ngayon ko din nakita si  Brevin na hindi manlang ako nakapagpaalam noon. So naging successful siya.

  "That's all for today. Enjoy your weekends." sambit ni Brevin este ni Mr. CEO sa amin matapos ang meeting, sinabi niya lang sa amin ang mga dapat gawin sa documentaries at paano dapat ayusin.

   "Makasigaw ka kanina nung Brevin! Close kayo? Close kayo?" si Monik na kasama ko sa comfort room ang nagagalit sakin ngayon, "buti nalang 'di siya masungit at ang gwapo niya pa! Nakita mo ba yung dalawang dimples niya? argh!"

  Kilalang kilala ko si Brev at close kami 'no! Hindi ko lang talaga alam kung naaalala pa 'ko nung isang 'yon!

  "Oh kumusta naman 'yang interview mo kay ex?" tanong nito, naglalakad na kami palabas ng building, iniabot ko naman sakanya ang camera niya at inayos ang buhok ko na nagkalat na ngayon sa mukha ko.

  "Parang kahapon lang nangyari lahat, medyo masakit pa rin, e." natatawang sabi ko, itinaas ko naman sa harap ni Monik ang kahon na hawak ko, "Bigay niya sakin 'to, bubuksan ko mamaya"

"Malungkot ka ba?" tanong nito, hinawakan ko naman siya sa balikat at tinapik tapik, "Alam mo Monik, masaya ako.. kanina na-feel ko lang yung inggit ko kasi dapat ako yun, pero ngayon okay na. Na-realize ko na tama lang yung desisyon ko, kahit walang matinong break up na nangyari samin at umalis lang ako ng walang paalam, tama lang na nag-paubaya ako kasi ang saya niya ngayon."

  "Bilib ako sa'yo, girl! 'Yan na ha, nakaharap mo na yung taong 'yon. Wala ka ng tanong sa isip mo kung kumusta ba 'yon." sambit niya, ngumiti naman ako at naupo sa shed. Naghintay na kami ng bus at maya-maya lang ay may dumating na. Mabilis lang ang byahe kaya nakauwi agad ako at nagkahiwalay kami ni Monik ng daan.

Pagpasok ko sa bahay ay agad akong umupo sa kama ko para buksan ang kahon na nasa harap ko, unang tumambad sa akin ang isang teddy bear na kulay brown, amoy na amoy ko ang pabango ni Theo mula dito, inilabas ko naman lahat nung laman nung kahon at nakita na iba't ibang papel ang nasa loob nito. Iba't ibang letters na nakasulat sa vintage papers, parang mga letter na sinulat pa noong 1872, ganoon ang mga disenyo.

  Binuksan ko ang isa at nakita na date pa 'to nung time na grade 9 kaming dalawa.

  August 2, 2009

If this is not what you called "happiness" then what it is, today Aliyah said yes.

I love her, I really love her.

Hindi ko sisirain ang pangako ko sa kanya, kahit pumuti pa ang mga buhok ko. ^__^

  Napangiti ako, halatang sulat grade 9 talaga ang sulat. Hindi na 'ko magtataka dahil ang pangit talaga ng sulat niya mula noon pa pero nag improve na ang sulat nya nung college na kami.

Muli akong nagbukas ng letter at nakitang Grade 10 na kami nito..

  March 15, 2010

Happy graduation day! Today I've finally met Aliyah's mom. Ito na ata ang pinaka-masayang araw na nangyari sa buong buhay ko. My mommy met Aliyah too and mommy told me na she likes Aliyah a lot.

i know, mom. I really like my girl, A LOT.

   Natawa naman ako at muling nagbukas ng sulat, napatigil nalang ako sa isang sulat na nabuksan ko. Ito yung araw..

   June 11, 2010

May itatangina pa ba ang araw na 'to? sorry for cursing but.. what the fuck.

"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana Where stories live. Discover now