TWELVE

141K 3.6K 1.6K
                                    

I SIGHED for the nth time while staring at the window, watching the side of the road as the car passed through different views. My mind wandered around the events a while back.

Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng suot kong dress nang bigla kong naalala ang sakit na bumatay sa mata at mukha ni Crinx noong tinanggihan ko siya. My heart started to contract when someone poked my check. Napakurap-kurap ako at muling bumalik sa reyalidad. I immediately turn my head to face Xydrien.

Puno ng pag-aalala siyang nakatingin sa akin. Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo at mariing nakatingin sa akin, parang binabasa ang aking ekspresyon.

"Ang tahimik mo," pagpuna niya. "Aren't you feeling well?" he worriedly asked me.

His face softened while looking at me.

I gulped. I forced a smile before shaking my head at him.

"May iniisip lang ako," tugon ko sa kaniya at umiwas ng tingin.

I'm afraid that if I'm gonna continue to look at him then he could read my mind.

"Didn't you enjoy wandering around?" he asked me before lifting my chin, making me look at his hypnotizing pair of dark brown orbs.

I involuntarily gulped because of his intense gaze.

Hinawakan ko ang kamay niya bago 'yon unti-unting ibinaba at muling tumingin sa labas ng bintana.

Ayaw ko siyang tignan sa kaniyang mga mata. Bukod sa naiilang ako kapag sobra ang kaniyang pagtitig sa akin, may parte sa akin ang nakokonsensiya dahil sa nangyari kanina.

Dapat nga hindi ako makonsensiya e. Hindi ko naman alam 'di ba? I'm not informed that Crinx had managed to get out of jail. I'm also not aware that he was in the women's comfort room. At saka ang plano ko, kunin ang loob niya para makatakas ako. 'Yon lang. Dapat hindi ako makaramdam ng konsensiya o 'di kaya ay panghihinayang. Pero iba ang sinisigaw ng puso ko, kabaligtaran ng sinasabi ng isip ko.

"I actually enjoyed every part of it," I said, half-heartedly.

I'm actually confused. I don't know what to do. My mind is totally fucked up as well as my heart. Ba't ba kasi ang gulo ng lahat ng ito?

"But your face says otherwise," Xydrien told me before starting the engine again.

I didn't even notice that he parked the car on the side of the road just to check if I'm okay.

Ganoon na ba talaga ako kalutang? I'm not aware of my surroundings anymore. I shut my eyes and eventually, Crinx's face popped up. The way he looked at me when I rejected his proposal. He looks like he's in a deep pain. My stomach stirred just by reminiscing about what happened earlier.

I deeply sighed before opening my eyes and it immediately landed on Xydrien who was focused on the road while driving seriously. Naglakbay ang mata ko sa makapal niyang kilay, sa mahaba at kulot niyang pilik mata, sa matangos at nakakamatay niyang ilong, lalo na sa mamula-mula niyang labi.

Bumaba ang aking mga mata sa kaniyang leeg at sa tanawing ito, para bang napaka-sexy tignan ng kaniyang Adam's apple. Mas lalo pang naglakbay pababa ang aking mga mata at napako ito sa kaniyang kamay na nakahawak sa manibela.

Nakatupi ang kaniyang polo hanggang sa kaniyang siko kaya naman malaya ang aking mga mata na pagpiyestahan ang kaniyang braso. I unconsciously gasped when my eyes travelled on his arms, looking at every detail of his arms. He has thin hairs covering his arms and there are veins crawling on it.

Parang ang ganda tignan ng kaniyang braso. Maugat-ugat iyon at nakakamangha. Malinis iyon tignan. Parang nakakadagdag iyon sa kaniyang pagkalalaki. Para bang mas lalo siyang nagiging sexy at attractive dahil doon.

Under the Sky of Diamonds | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon