Chapter 14

37 3 0
                                    

Steady as the walls collide

Napangiwi ako nang maramdaman ang kaunting hapdi habang  sinusuklay ni Mahalia ang aking buhok. Napaigik muli ako nang maramdaman ulit ito. Ang aking mga mata ay may kaunting hapdi sa pagtulo ng aking luha sa sakit na naramdaman ko kani kanina lamang.

Ang ilaw na nagmumula sa lampara ay pinakinang ang pulang likido ng dugo na nasa sahig palamang ng aming kwarto.

Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ang kaunting hapdi rito. Iniangat ko ang aking tingin sa salamin na nasa aking harapan.

Ang aking buhok ay maaayos na at unat na muli, ang aking pisngi na kanina'y simpula ng kamatis ay bumalik na sa kayumanggi nitong kulay na may kaunting tinta ng rosas. Nakita ko ang palaso na ginamit ko kanina na mayroon paring marka ng kaunting dugo doon.

Tumaas ang aking balahibo ng makaramdam ng takot, hindi sa iba, kundi sa aking sarili. Kung nagagawa ko iyon sa aking kapatid, bunga ng takot at galit, paano pa sa iba?

Pagkatapos ng madramang eksena kanina ay umalis narin si Tiya Olimpiya kasama ni Olivia, dala ang kaniyang mga damit at kagamitan. Ako naman ay nanatili sa loob kasama si Mahalia, na ngayon ay tinutulungan akong ayusan, upang presentableng humarap sa pinuno.

"Hayan, nagbalik na ang tunay mong ganda" Masayang sambit ng aking kaibigan.

Hinarap ko ito at nginitian ng marahan.

"Salamat, Mahal na mahal mo talaga ako!" Kantyaw ko sakanya

"Tngina mo" Inis nitong sabi

"I love you too!" I exclaimed then hugged her tight

"Doon ka na, hinihintay ka na kanina pa! Nagamot na ang bruha mong kapatid" umikot ang mga mata nito.

"Kung hindi lamang iyon kasintahan ni kuya, hindi na iyon humuhinga ngayon"

Natawa ako sa kanyang sinabi saka tumayo na at inayos ang gusot kong saya, bago siya hinarap at nagpaalam.

"Kapag sinabunutan ka, palabasin mo bituka ha! Wag kang mag alala, marami kaming aso sa bahay, sabihin mo lang makakahiram siya ng bagong mukha" Napahagikgik pa ito sakanyang sinabi.

Pumasok ako ng walang ingay sa opisina ng aking ama. Ang malamig na hangin mula sakanyang aircon at ang masamang tingin ni Tiya Olimpiya ang sumalubong saakin.

Sa likod ng malaking lamesa ay nakita ko ang aking ama kasama si Tiya Hanai. Ang aking ama ay nanlilisik ang mga mata habang tinignan ako, habang si Tiya Hanai naman ay pilit itong pinakakalma.

Lumapit ako at tumayo sa gilid ni Olivia na hindi makatingin saakin habang may telang nakapulupot sakanyang kanang kamay na tinarak ko ng palaso kanina.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, sino ang nagsimula ng away?" Seryosong tanong ng aking ama habang pinaglipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Siya po ama!" Sigaw ni Olivia at tinuro ako

"Ano ang nangyari?" Si Tiya Hanai

"Wala ho akong ginagawa nang bigla niya akong hinablot at sinabunutan" Naiiyak na paratang saakin ni Olivia

Hindi ako umimik at nanatiling tahimik sa tabi. Sa mga nagdaang taon, marami kaming naging away ni Olivia, hindi ito nag iisa.

At kahit anong gawin ko upang ipagtanggol ang aking sarili, siya lagi ang pinaniniwalaan. Siya lagi ang tama. Siya lagi ang pabor. Siya lagi ang nananalo.

Kahit lumuha ako ng dugo sa harap ng aking ama, sa galing umiyak at magmakaawa ni Olivia at ang paghiyaw ng mahal ni Ama na si Tiya Olimpiya ay, tiyak na ako ang talo at walang laban.

Silhouette Of Forbidden Secrets (Medovella Chronicles 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon