Chapter 33

27 4 0
                                    

Poison on the loose

I pulled the thick cloth of the quilted blanket closer to my body, covering my body from the shivering cold.

I flipped the pages of the book, consuming every word, picturing every image, engraving every scene in my heart as I go by the book chapter by chapter, the wind caressing my soft golden skin, dancing my hair from side to side as it releases out its favorite tune to mother nature.

Heartfelt as I stare at the blank ocean, the waves clash against each other, the way the sand of the shore push away the waves as it refuses its kisses, leaving the shore a stain of its love, over and over again.

Isinandal ko ang aking likuran sa magaspang na ibabaw ng isang punong kahoy na aking kinauupuan. Ang ere sa loob ng kabahayan ay sobrang nakakasakal para sa aking nanghihinang katawan, umiikot parin ang aking paningin, resulta ng paglusob ko a makapal na usok kahapon lamang.

Naistorbo ang mahina kong pagmumuni muni nang may naaninag akong iilang mga puting yateng papunta sa aking direksyon. Binaba ko ang aking binabasang libro nang masilayang dumako ito, napatayo ako at kaagad na tumakbo papalapit sa dulo ng burol, upang magkaroon ng mas klarong tanawin sa kung sino ang mga lulan ng yate.

Napaawang ang aking labi nang masilayan ko si Cameron, nakaitim na polo, sa likuran nito ang mga kasamahan, kasama ang isang hindi pamilyar na lalake na nakasuot ng isang unipormeng pangheneral at isang singkit na babae, kasunod ng mga ito si Specer.

Pilit kong tinago ang sarili ko sa paghakbang papalikod mula sa mga ito, ngunit hindi ko na ito natuloy nang umangat ang tingin ni Cameron, nagkita ang aming mga mata, napako ako sa aking kinatatayuan, nakaawang ang labi, matang nangungulila.

Nagtagal ang aming mga tingin bago ako unang nag-iwas ng tingin at tumakbo palayo, hindi kinaya ng aking sistema ang tindi ng titig nito, masyadong malalim at masyadong maraming emosyong ayaw kong pangalanan, dahil tiyak lamang na akong masasaktan.

Malalim ang paghingang tumakbo ako papalayo sa burol, tanaw ang dalampasigan. Hindi ko alam ngunit, gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mayakap, gusto kong madama ng presensya niya, ngunit may pumipigil saakin.

Napahinto ako sa pagtakbo ng maramdaman ang panghihina ng aking mga tuhod, napahawak ako sa isang malapit na puno, bilang suporta sa pagabot ng aking nawalang hininga.

Nang kumalma ako ay nakarinig ako ng paglangutngot ng mga tuyong dahon, papalakas ng papalakas, papalapit ng papalapit saakin. Umangat ang tingin ko at napamulat ng makita ang binatang inaasam asam kong makita ay nasa harapan ko na.

"Ayos ka lang?" Marahan nitong tanong saka mas lalong lumapit saakin, dadampi na sana ang makalyong palad nito sa aking pisngi ngunit kaagad akong naglakad papaatras mula sa kaniya.

Nakita ko ang pamumuo ng pagtataka at pag aalala sa mga mata nito. Ang pag-awang ng labi nito sa gulat ng aking ginawa, agad rin niyang inayos ang kaniyang sarili.

"Bakit kayo nandito?" I kept my voice tiny and minute as I asked him, my eyes on him.

"Were doing the final steps for the search of the Isleson. Your father told us where to find it. Im with the General of Laurasia" Pagpapaalam nito na nagpakunot sa aking noo.

They are supposed to find the Isleson, weeks from now, as it is in the original plan, why earlier?

"Why now?" Nag-aalala kong tanong. The concern in his eyes, telling me something is not right

"The Medicis have attacked the East and North earlier than planned" Bumuntong hininga ito, kita ang pagkabahala sa sinabi

Napaawang ng labi ko sa kaniyang sinabi. Everything is not on the timeline of the plan!

Silhouette Of Forbidden Secrets (Medovella Chronicles 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon