Simula

40 1 0
                                    

"B-belle" Mahinang pagtawag sa akin ni Kiko. Hindi ko siya nilingon, hindi ako bumati pabalik.

"Belle, kumain ka muna" Sambit niya at umupo sa aking tabi. Tulad kanina ay hindi ko siya tinapunan ng tingin. Blangkong ekspresyon lang ang ipinakita ko sa kaniya habang nakatingin sa mga magulang ko.

"Sabi ni Mommy kumain ka na daw. Papunta na rin dito ang Tita mo" Hindi ulit ako kumibo.

"Kumain ka na oh, 'di ba favorite mo ito? Nagpaluto ako kay mommy para sayo" Sabi niya ulit at inilapag lunch box na may lamang kanin at chicken teriyaki sa lap ko. Tinignan ko lang 'yon saglit at ibinalik ang tingin sa coffin ng magulang ko. Ano kayang itsura ko kung nakahiga rin ako sa ganoon?

"Alam mo sabi ni Mommy nasa heaven na sila Tita. Wala na silang ibang nararamdaman doon, hindi na nila nararamdaman 'yung masakit sa kanila nung naaksidente sila. 'Di ba ayaw mong nakikitang nasasaktan sila? at mas lalong ayaw mong nakikitang punong-puno sila ng dugo." Inosenteng ani niya.

My parents died because of a car accident. Galing sila sa isang party kung saan hindi nila ako pwedeng isama, dahil ang sabi nila pangmatanda daw iyon. Ang sabi ng mga pulis ay lasing daw ang nagmamaneho ng truck na nakabunggo sa kanila. Pero bakit kailangan na ang magulang ko ang mawala? Bakit nila ako iniwan dito?

"Kawawa naman ang anak nila, nasa murang edad palang ay ulila na." Naputol ang mga katanungan sa utak ko dahil sa sinabi ng isang babae sa likuran ko.

"Oo nga, balita ko ay wala silang ibang kamag-anak dito sa pinas---" Naputol ang sasabihin niya nang biglang tinakpan ni Kiko ang tenga ko.

Sa pagkakataon na iyon lumingon ako sa kaniya, malungkot siyang umiling sa akin na parang sinasabi na huwag akong makinig sa pinag-uusapan ng mga matatanda. Totoo naman ang sinabi nila na wala na akong pamilya, nasa states ang mga tita at tito ko at wala akong kapatid na mag-aalaga sa akin kaya malamang ay kukunin nila ako para dalhin sa ibang bansa.

Unti-unting niluwagan ni Kiko ang kamay niya na nasa tainga ko, "Hindi ka aalis dito, okay? kasama mo ako. Dito lang tayo kina Tita," Sabi niya at tumingin kina Mommy na mahimbing ang tulog. Yumakap ako sa kaniya at bumuhos ang luhang kagabi ko pa pinipigilan.

Hindi ko alam kung tahimik ba ang paligid dahil sarili ko lang ang naririnig ko o sadyang malakas lang ang pag-iyak ko.

"Mommy!" Sigaw ko habang yumakap sa kabaong ng ina na kasalukuyang ibabaon na sa lupa.

Naramdaman kong pilit akong pinabibitaw ng kung sino man sa kabaong. Buong lakas ko itong niyakap at humagulhol sa pag-iyak. I can't live without them! I'm only 9 years old for God sake! I can't!

Nang makita kong ibinababa na rin ang kabaong ni Daddy, humalik ako sa salamin sa pagitan namin ni Mommy saka tumakbo kung nasaan si Daddy.

"Dad." Mahinang bulong ko habang pinapanood ito na unti-unting-unting lumiliit dahil nasa ilalim na. Hindi man lang kita nayakap sa huling pagkakataon. I'm sorry daddy for being a hard-headed girl, I promise I will be good one.

Napaluhod nalang ako sa sobrang sikip ng puso ko. Wala na rin akong makita dahil sa luha na nasa mata ko. Pinilit kong tumayo para masilayan si Mommy pero hindi ko na kaya dahil sa panlalambot ng aking tuhod. Mommy, nangako ka sa akin na tuturuan mo akong magluto at gumawa ng gawaing bahay. Pero paano ako matututo kung wala ka?

"Isabelle, We will wait you in the car." Sabi ni Tita Nicole at wala sa sariling tumango ako bilang tugon.

Israel Marfil

June 4, 19xx - January 4, 20xx

Belinda Marfil
June 5, 19xx - January 4, 20xx

Smiling In TearsWhere stories live. Discover now