Alas Dose (PART 2) na sinta

17 0 0
                                    


"Hi," Maikling bati ko pagkalapit ko sa kaniya. Ngayon ko nalang ulit siya nakita matapos noong huling punta ko sa bahay nila.

"Take a seat. Kumain ka na ba?" Tumango ako kahit hindi pa naman talaga ako kumakain. Naupo ako sa bench kung saan ko siya nakitang nakaupo kanina.

Natahimik kami at pinakikinggan lang ang simoy ng hangin at ng mga kuliglig. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Parang dati lang inaasar mo pa ako kapag nadadapa ako tuwing naglalaro tayo dito. Well, lahat naman ata ng bata sa village natin inaapi mo," Pagke-kwento niya kaya hindi ko mapigilan na hindi matawa nang maalala iyon.

"Ang lampa mo kasi at hindi ko naman sila inaaway, 'yung iba takot lang lumapit sa akin dahil nabubulungan ng iba nilang kalaro."

Tumawa siya, "Bully ka lang kamo." Ngumiti ako at hindi na naka-imik.

"Kung bata pa siguro tayo, maaayos natin 'to agad 'no? 'Yung tipong laruan lang ang pinag-aawayan natin, 'yung tipong hindi tayo nagpapansinan pagkatapos natin mag-asaran, 'yung maliliit na bagay lang pero isang sorry lang natin sa isa't-isa maaayos na." Sabi niya at pekeng tumawa. Nagsisimula na namang magtubig ang aking mga mata habang pinapakinggan siyang magsalita.

"I'm really sorry, Belle. Alam kong kulang pa 'yan sa mga nagawa ko sayo pero gusto ko talagang humingi ng tawad. Sorry sa panloloko ko, pinagsisisihan ko 'yon araw-araw kahit hanggang ngayon. Minsan ay binabangungot ako dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isipan ko at nagawa ko sayo 'yon knowing that I loved you so much. Sorry for blaming you, ginawa ko pang dahilan ang sinasabi ng ibang tao sayo para bitawan mo ako, para mapalapit lang ako sa babaeng tinitibok talaga nitong puso k---"

"Si Mariella." Pagsingit ko at pasimpleng pinunasan ang luhang naglalakbay sa aking pisngi.

Tumingin siya sa akin kahit na ang paningin ko ay nasa mataas na bahay na nasa harapan namin.

"Yeah. Ginulo ko pa ang bakasyon mo noon sa Sagada para lang ipaalala at isisi sayo na ikaw naman talaga ang may problema sa ating dalawa. I always keep on running sa mga bagay na alam ko naman talaga na ako ang mali, na ako lang ang may kasalanan. Ikaw lang naman itong nagbigay ng tunay na pagmamahal sa akin pero wala akong ibang ginawa sayo kundi saktan ka lang and I'm so sorry for that."

"Ang tanga ko para sayangin kung ang pagmamahal na binigay mo sa akin. At sobrang duwag ko noong hindi ko maamin sayo na unti-unti na akong nafe-fell out of love---"

"Fell out of love..... Kailan pa?" Nanginginig ang boses ko nang tanungin ko siya.

"Simula noong unang nakipaghiwalay ako sayo," Mabilis na sabi niya. Ang sakit, sobra.

"Kaya sobrang duwag ko, ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang pagmamahal at respeto mo sa sarili mo. I'm the one who ruined you. At sobrang duwag ko na ngayon ko lang nasabi lahat ng ito." Sabi niya at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay, umiiyak.

"Noong isang araw parang sinuntok ako ng pari sa homily niya, Sabi niya na hindi maganda sa pakiramdam na magpasko ng may bitbit kang hinanakit, tapos bigla nalang pumasok sa isip ko na dalawang taon na rin pala ako naging malupit sa sarili ko. Dalawang taon ko nang dinadala 'tong bigat na nararamdaman ng puso ko. Alam mo 'yon? hindi ka pala talaga makakarating sa paroroonan mo kung mayroon ka pang hindi nakukuhang kasagutan sa pinagdaanan mo. And hearing those things, masakit lahat ng sinab---" Paninimula ko.

"Sorry," Sabi niya pero umiling ako.

"Masakit pero tanggap ko na." Nginitian ko siya kasabay ng pag-agos ng luha sa aking mga mata.

"Belle.." Umiling ako para pigilan siyang lapitan ako. I need to be strong. I need to let it go. I can do it.

"Siguro nga parehas tayong naduwag. Ikaw naduwag na aminin sa akin ang totoo habang ako ay naduduwag na malaman ang katotohanan. Dapat ba akong magpasalamat na kahit niloko mo na ako ay nanatili ka pa rin sa tabi ko? Dapat ba na matuwa ako na kahit ako nalang ang nagmamahal sa ating dalawa, ako pa rin ang inalala mo?"

Smiling In TearsWhere stories live. Discover now