Special Chapter: Prom

22 0 0
                                    


Isabelle's POV

"Thank you," Sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt. Hinatid ako ni Ram sa condo pagkaalis ni Yaya Melds sa bahay nila. Ram and I promised that we will visit her in Baguio kapag may time kami.  

"Mmm, Are you sure you don't want to celebrate Christmas with us?" I shook my head and smiled.

"Pupunta kasi ako kina Tita Janice mamaya para ibigay 'yung gift ko sa kanila. Kina Kiko, okay lang ba?"

Lumawak ang ngiti niya, "Pagkatapos mo ba naman umamin sa akin, kampante na akong ako na lang ang gusto mo ngayon," Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro, bahala siya. Inirapan ko lang siya at tinawanan.

"Sunduin nalang kita doon mamaya? Just send me the address, okay? See you later, My Sinderela." He winked at me bago ako lumabas ng sasakyan niya.

Pagkarating ko sa condo, Inayos ko lang ang mga regalo na dadalhin ko tapos ay nagpahinga muna.

Feeling ko ang gaan-gaan ng pakiramdamam ko, Una dahil sa naging usapan namin ni Kiko, I'm happy that he's my best friend again. Pangalawa ay si Ram, Hindi naman ako lasing kagabi pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako umamin sa kaniya, Gusto kong sabunutan ang sarili ko nung mga oras na 'yon dahil sa kahihiyan. Pero kung ganito naman ang resulta, ayos na rin pala na naglakas-loob akong umamin sa kaniya.

Hindi ko namalayan na tatlong oras akong nakatulog, Dali-dali akong naligo at nag-ayos para makapunta na kina Tita Janice. Dinouble check ko muna kung may nakalimutan pa ba ako bago umalis sa unit.

Pagkarating ko sa bahay nila, Sa gate palang ay sinalubong na ako ni Tita Janice. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya dahil matapos ang dalawang taon, nakasama ko ulit siya ngayong pasko.

"Merry Christmas, Tita!"

"Kung hindi ka talaga pupunta ngayon dito, magtatampo na talaga ako sayo." Natawa ako sa paraan ng pagkakasabi niya nito. Sabay kaming tumuloy sa loob at naabutan namin si Tito Ian na nagtitingin ng regalo sa ilalim ng Christmas tree.

"Nagche-check nanaman ng regalo ang kuripot," Bulong ni Tita ngunit ako lang ang nakarinig kaya napahalakhak ako sa tawa.

"Merry Christmas, Tito Ian!" Malakas na sabi ko kaya lumingon sa akin si Tito ng may naglalakihang mata.

"Belle!" Masayang sambit ni Tito at lumapit sa akin para yumakap, I hugged him back. "Merry Christmas, Hija. Ano may regalo ka ba sa akin? Aba! dalawang taon akong walang natanggap na regalo mula sayo."

"Tito talaga hahahaha syempre naman po meron," Sabi ko at itinaas ang paper bag kung saan nakalagay ang mga regalo ko para sa kanila.

"Ang kapal talaga niyang mukha mo, Ian. Tss." Ani Tita kaya sinagot siya ni Tito kaya para nanaman silang aso't-pusa. Ang sarap nilang panoorin.

"Nasaan po pala si Kiko?" Tanong ko na nagpatigil sa bulyawan nila. Nagkatinginan sila bago ibalik ang mga mata sa akin.

"Bakit anak? May ginawa nanaman ba sayo ang anak namin?" Nag-aalalang tanong ni Tita. Umiling ako bago siya nginitian. Sasagutin ko na sana siya pero inunahan ako ng taong hinahanap ko.

"Miss na miss mo nanaman ako, Isabelle." Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon, hindi ko maiwasan na hindi umirap nang makita ko siyang may ngiting nakakaloko sa mukha.

"Kapal," Bulong ko pero sinadya kong marinig niya. Lumapit siya sa amin at ginulo ang buhok ko, the heck dude! "Merry Christmas, Belle."

"You two are so cute!" Sabi ni Tita, "Are you two okay now?" Tumango ako sa kaniya kaya binigyan ako ng mahigpit na yakap tsaka hinampas si Kiko.

Smiling In TearsWhere stories live. Discover now