Nag-iisang Muli

43 1 0
                                    

Jona Added you.

Matutulog na sana ako pero may nag-notif sa messenger ko. Jona added me in their group chat.

Jona: Let's welcome....... Isabelle Marfil!
Eli: Congrats girl
Grace: Hahahaha what the hell is happening with you guys?
Isabelle: Thank you for today guys hehe

Ang cute lang, hindi man lang sila gumawa ng panibagong group chat at doon talaga sa GC nilang magkakaibigan ako isinali, I'm officially their friend.

Jona: Ikaw pa ba
Eli: Isabelle lang malakas
Grace: Parang gusto ko ulit manood ng movie lol.

Mga gastador, Nagpupunta lang ng sinehan para matulog. Weird but funny.

Isabelle: GN guys!
Eli: Is it Good Night or Get Naked, huh?
Jona: THIS IS LITERALLY RATED SPG!!! HAHAHA

Hindi ko na sila nireplyan, kung ano-ano pang kalokohan ang sinasabi nila. Umayos na ako sa pagkakahiga.

Nakakainis, inaantok na ako kanina pero ngayon na nakahiga ako hindi naman ako makatulog. Dumiretso ako ng pagkakahiga at tumingin sa kisame.

🎶 Kay lamig ng simoy ng hangin
Mga tala'ng yumayakap sa akin
Kasabay ng aking pagpikit
Suminag ang pait
Pag-asa'y 'di masilip
Sa gitna ng gabing kay dilim
Naghihintay mula takipsilim
'Di susuko sa pagtitiwalang
Ikaw ay makakamtan
Nang hindi panandalian 🎶

Wala pang isang araw na kasama ko sila Jona pero ngayong gabi feeling ko mag-isa nanaman ako. I hope na hindi sila katulad ni Kiko na sa huli makikita 'yung flaws ko at iiwanan ako kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin magets kung bakit kailangan niyang bumitaw. Kung talaga bang dahil hindi ko na mahal ang sarili ko? If that's the case, pwede niya naman akong samahan hanggang sa mangyari ang gusto niya. Umiling ako sa mga naiisip ko, Kung ano-ano nanaman ang iniisip ko.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at sumandal sa headboard, ibinalot ko ang comforter sa katawan ko at niyakap ang aking tuhod. May nakuha naman akong mga aral sa sinabi ni Tita Janice kanina pero parang hindi sapat, hindi madali. Siguro para sa kaniya isang hakbang na 'yung ginawa ko na makapunta ako sa kanila pero para sa akin wala lang 'yon.

Umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa side table.

From: Jona
Hi Belle, If you're still awake ofcourse you will read this rn. Pero kung tulog ka na at bukas mo pa ito makita, Ignore it.

Just wanna say again that I'm here if you need someone, 'keh?

I smiled. Nagdadalawang isip ako kung magre-reply ba ako or babalewalain ko nalang.

Thank you, Jona. Pero ngayon, Hindi ako hihingi ng tulong para magheal ang sarili ko. Thank you.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa pago-overthink ko kagabi. I sighed. Another day para lumaban. Tulad ng ginagawa ko nitong mga nakaraang araw, ganoon pa rin ulit.

To: Jona
Happy Birthday, Jona! May God bless you always.

Nagtext muna ako sa kaniya bago umalis para pumunta sa puntod nila Mommy.

Pagkarating ko roon, mayroon nanamang bagong bulaklak. Sa tingin ko ay galing ito kay Kiko, or to his parents.

I smiled at nagsindi ng kandila.

Smiling In TearsWhere stories live. Discover now