Special Chapter: Your Universe

24 0 0
                                    

Ramuel's POV

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging masaya sa pagsalubong sa bagong taon ng hindi kumpleto ang pamilya ko. Na kahit ang dami kong inaasikaso, I kept on working hard, maaga kong tinatapos ang lahat para makuha ko ang pahinga ko, sa bisig ni Belle.

Mag-iisang linggo na nung huli ko siyang nakasama, 'yon ay noong New Years Eve pa dahil wala akong vacant para makita siya sa kadahilan na nag-extend pa ang parents ko sa abroad at may inaasikaso pa doon. I'm so dissapointed at myself, If I knew this going to happen sana ay hindi ko muna siya niligawan dahil hindi ko siya mabigyan ng oras though I know she understand everything but I feel guilty.

"What's up, bro?" Sigaw ni Gelo pagkapasok niya sa office ko. Pinasadahan ko lang siya ng tingin at bumalik na ulit sa pagtitipa sa computer. Mangbu-bwisit lang naman siya, sayang oras kung pagtutuunan ko siya ng pansin.

"Ouch! Binalewala ang pinakagwapo niyang pinsan," Sabi niya at naupo.

"What are you doing here? Don't you have work?"

"Meron pero hindi naman loaded tulad ng iyo," Nakangising sambit niya.

"You can leave now," Nakangisi ko ring sabi.

Tumayo siya, "Baho mo 'tol, umuuwi ka pa ba para maligo?" Natatawang sabi niya saka lumabas.

Uto-uto ako kung aamuyin ko ang sarili ko kahit naligo naman ako at hindi dapat pinapaniwalaan ang sinasabi ni Gelo, Tss. Umiling ako at nagpatuloy sa ginagawa, chill chill lang sana ako sa company kung nandito ang parents ko eh.

Wala pang sampung minuto ay tumunog ulit ang pinto ng office ko, mukhang si Gelo nanaman kaya hindi ko na talaga ito pinansin, mabuti nalang at hindi siya kumibo.

Kung ganito lang ako ka-busy, parang hindi pa ako handang akuin ang responsibilidad nitong kompanya. Nakakapagod.

Tumunog ulit ang pintuan ko, hindi ko alam kung may pumasok o lumabas na si Gelo. Ngunit nagulat ako nang mahimigan ang boses ni Ramiele.

"Hindi ka pinansin?" Rinig kong sabi ni Ramiele sa kausap, Hindi ko naman narinig na sumagot si Gelo. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang throw pillow na nadampot niya siguro sa sofa ko sa loob nitong office, Nagtaas ako ng tingin sa kaniya.

"Ano bang proble— B-belle!" Napatayo ako nang makitamg nakaupo doon si Belle at wala si Gelo, Shit, all this time si Belle ang pangalawang pumasok aa opisina ko? What the actual fuck!

"B-belle, Y-you're here." Hindi makapaniwalang sabi ko at lumapit sa kanila.

"Grabe ka! pinuntahan ka dito nung tao tapos ni tignan ay hindi mo ginawa?!" Naiinis na sabi ni Yel.

"I didn't know okay?! I thought it was Gelo, He's here a while ago." Sabi ko kay Yel at humarap kay Belle na nakangiti sa aming magkapatid, "Sorry, Hindi ko alam." Nginitian niya ako at tinanguan kaya humingi ulit ako ng tawad, May dala siyang pagkain.

"Nag-abala ka pa." Sabi ko.

Sumingit si Ramiele, "Oo at ang kapal ng mukha mo, ikaw ang nanliligaw pero itong si Belle ang pumupunta sayo." Seryosong sambit niya at lumabas. Kumunot ang noo ko habang nakatanaw pa rin sa nilabasan niya.

Pagkaharap ko kay Belle ay nakita kong namumula ang mukha niya, Wala naman kasing tigil ang bibig non ni Ramiele!

"I'm really sorry, Belle. Akala ko talaga si Gelo 'yung pumasok."

"Okay lang, nakasalubong ko siya kanina at sabi niya nga na galing siya dito kaya siya na ang naghatid sa akin papunta dito sa office mo." Natural na talaga ang malambing niyang boses.

Smiling In TearsWhere stories live. Discover now